Pot session sa patrol car: 8 dakip | Bandera

Pot session sa patrol car: 8 dakip

John Roson - December 09, 2019 - 03:52 PM

WALO katao, karamiha’t menor de edad, ang dinampot nang maaktuhang gumagamit ng marijuana sa loob ng isang patrol car sa Tayabas City, Quezon, Lunes ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nadampot ang 18-anyos na magsasakang si Jovert Dela Peña, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Kasama niyang nadampot ang pito pa na may mga edad 17, 16, at 13. Sadyang inilathala ang pangalan ng pito dahil sila’y mga menor de edad.

Isinagawa ng city police ang operasyon dakong ala-1:10, matapos makatanggap ng impormasyon na may mga nagpa-“pot session” sa isang talyer sa Brgy. Wakas.

Naaktuhan si Dela Peña at kanyang mga kasama na himihithit ng marijuana sa loob ng sirang Mahindra mobile patrol na nasa talyer, ayon sa ulat.

Nakuhaan ang walo ng maliit na glass tube na may 2.45 gramo o P134.75 halaga ng dahon ng marijuana, nilukot na papel, disposable lighter, at coin purse.

Dinitine si Dela Peña sa city police station, habang ang mga kasama niyang menor de edad ay pansamantalang isinailalim sa kostudiya ng Women and Children’s Protection Desk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending