'The Haunted' mananakot na; pang-MMFF ang peg | Bandera

‘The Haunted’ mananakot na; pang-MMFF ang peg

Ervin Santiago - December 08, 2019 - 12:35 AM

Samantala, humanda na nga para sa isang Paskong puno ng mga makabuluhang aral at kababalaghan sa pagbabalik-telebisyon nina Denise Laurel, Jake Cuenca, at Shaina Magdayao sa suspense-horror mini series na The Haunted, na mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula ngayong Dec. 8.

Iikot ang kwento ng The Haunted sa mapagmahal na inang si Aileen (Shaina) na susubukang makipag-ayos sa asawang si Jordan (Jake) para sa kapakanan ng kanilang anak na si Angel. Mag-aalangan naman si Aileen na tanggaping muli si Jordan dahil sa pagpapabaya nito na nagdulot sa isang aksidentenghumantong sa pagkaka-coma ni Angel.

Sa dalawang taon naman na walang malay ang kanilang anak, makikita ni Aileen kung gaano kamahal ni Jordan ang bata at bibigyan ito sa wakas ng isa pang pagkakataon.

Sa muli namang paggising ni Angel, haharap pa ang pamilyasa marami pang nakakasindak na problema.

Magsisimulang maghasik ng kasamaan ang multo na siyang muling susubok sa relasyon nina Aileen at Jordan. Hahamunin din nito si Aileen bilang ina at asawa, dahil pilit na aangkinin ng multo sina Jordan at Angel dahil sa isang itinatagong sikreto ng kanilang pamilya mula sa nakaraan.

Mangibabaw kaya ang pagmamahal ng isang ina upang mapanatiling buo ang kanilang pamilya? O tuluyan nang mawawasak ang pamilya dahil sa multo ng nakaraan?

Tampok din sa Dreamscape Entertainment production na ito sina Alex Castro, Victor Silayan, Sheenly Gener, Ruby Ruiz, Ingrid dela Paz, Simon Ibarra, at Rita Avila, sa direksyon ni Manny Palo.

Sundan ang mga misteryong bumabalot sa The Haunted, simula ngayong gabi, 8 p.m., sa ABS-CBN.            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending