Sofia Pablo todo kayod sa pag-aaral, iniiwasang maging ‘pabigat’ sa mga kaklase

PHOTO: Instagram/@sofiapablo
MAHIRAP pagsabayin ang pag-aaral at showbiz.
Ito ang inamin ng Kapuso actress na si Sofia Pablo sa isang Instagram post kung saan nag-open up siya tungkol sa mga nararanasan niyang pamba-bash habang nag-aaral.
Inalala pa nga ni Sofia ‘yung mga negatibong komento na natatanggap niya kung saan inaakusahan siyang “walang ambag” at “pabigat” sa mga group projects.
Ito ay dahil madalas siyang nakikitang abala sa kanyang pagiging celebrity o artista.
Baka Bet Mo: Jillian Ward sa pasabog na rebelasyon ni Sofia Pablo: I don’t have time to fight
“I was just typing away for entrepreneurship when I suddenly remembered the comments I got last year after posting about our thesis defense: ‘MakapagTikTok kala mo naman may ambag’. At that time, I actually felt sad — because they didn’t know how much effort and time I was really putting into school,” caption niya sa post.
Pero nilinaw ng young actress na hindi totoo ang mga hate comments na ‘yan dahil madalas siyang solo pagdating sa school projects.
Ang kanyang dahilan, ayaw niyang makaabala sa mga kaklase.
“What most people don’t see is…I actually choose to do group tasks alone (except for our thesis paper!!). Not because I don’t want to work with others, but because I know my schedule isn’t always the easiest to work around — and I don’t wanna be the ‘pabigat’ or ‘walang ambag’ [to the group],” paliwanag ni Sofia.
Ikinuwento pa niya na nakagawa siya ng buong TED Talk presentation mag-isa kung saan nagsulat siya ng research paper, surveys, at 10-minute presentation.
Ayon pa sa kanya, ibinandera niya ito hindi para may patunayan, kundi para magbigay ng inspirasyon sa iba.
Si Sofia ay may dalawang buwan na lang bago grumaduate sa senior high school.
View this post on Instagram
Si Sofia ay nakilala at sumikat sa kanyang role bilang Len-Len sa drama series na “Prima Donnas.”
Sa kasalukuyan, siya ang bida sa seryeng “Ang Prinsesa ng City Jail.”
Lumabas din siya kamakailan sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Green Bones” kasama sina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.