‘My Bakit List’ bagong hugot movie with a twist: move on o hold on?
Kung ililista mo ang iyong mga “bakit” sa buhay, ano’ng mga tanong ang mangingibabaw? Pareho kaya kayo ng listahan ni Dess, ang bidang karakter sa bagong hugot movie ng Viva Films na “My Bakit List” na gagampanan nga ni Louise delos Reyes?
Si Dess ay nagtatrabaho bilang head writer ng isang drama anthology. Sa kabila ng pagiging breadwinner niya, sinukuan niya ang trabaho nang hindi na niya masikmura ang sobrang pressure. Sa halip na makuha ang simpatiya at pang-unawa ng kanyang pamilya, nadismaya siya dahil kapakanan lang nila ang kanilang iniisip.
Para makapag-relax, byaheng-Ilocos Norte si Dess kasama ang best friend na si Brutus (Prince Stefan).
Marahil ito ang kailangan ni Dess para makatakas sa toxic niyang buhay at mahanap ang sagot sa kanyang mga tanong. Ngunit nang magtagpo muli ang landas nila ng kanyang ex-boyfriend na si Ejay (Ivan Padilla), hindi naman siya handang makinig sa paliwanag nito kung bakit siya iniwan nang walang paalam. Naguguluhan si Dess kung dapat niya bang buksan muli ang puso para kay Ejay.
Ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig nga ba ang sagot sa lahat ng kanyang mga katanungan o magdudulot lang ito ng mas marami pang “bakit’? Kung ang lahat ay mauuwi sa isang tanong: “mag-hold on o mag-move on”, ano ang kanyang pipiliin?
Yan ang sasagutin ng pelikulang “My Bakit List” sa direksyon ni Bona Fajardo mula sa Viva Films at BluArt Productions at showing na nationwide sa Dec. 11.
Siyanga pala, inamin din ni Louise na naging bulag siya sa pag-ibig. Dahil sa kanyang karanasan at dahil na rin sa pagiging mahusay at dedicated na aktres, lubos niyang niyakap ang pagiging Dess.
Maliban sa pagtitiwala sa kanyang karakter, importante rin para sa kanya na magkaroon ng tiwala sa kanyang co-actors. Ito rin ang unang beses na magtatambal sina Louise at Ivan na nakasama na rin ni Cristine Reyes sa pelikulang “Maria” at naging leading man din ni Alessandra de Rossi sa “12”.
Sa Amerika, ilang Hollywood shows na rin ang nilabasan ni Ivan, tulad ng CSI (NY, Miami at NBC, Lucifer (Fox), Castle, ER, The Closer, Criminal Minds at Dexter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.