Male celeb iniwan ng sugar mommy: Sobrang tamad, walang ginawa kundi mag-Mobile Legends | Bandera

Male celeb iniwan ng sugar mommy: Sobrang tamad, walang ginawa kundi mag-Mobile Legends

Reggee Bonoan - December 06, 2019 - 12:15 AM

PAANO na kaya ang magiging buhay ng guwapong personalidad ngayong wala na siyang sugar mommy? Paano na ang kanyang lifestyle, lalo na ang pambayad niya ng bills lalo na sa kuryente na sobrang laki dahil walang ginawa kundi maglaro ng Mobile Legends.

Ayon sa aming source walang permanenteng trabaho ang guwapong personalidad at tamad pa dahil gusto niya ang trabaho ang lalapit sa kanya at hindi niya type mag-opisina dahil hindi raw bagay sa kanya. Mabuti na lang at meron siyang sariling bahay kaya hindi niya problema ang upa.

“Noong sila pa ni _____ (girlfriend), inaabutan siya ng panggastos kasi nga naaawa, tulong kung baga at take note, extension pa siya ng credit card, huh? Kaya kung makapag-shopping at grocery tarush! In fairness, hindi naman nauubos ang credit limit kasi naman, milyones. Matipid din naman siya, more on food at accessories lang sa gadgets ang hilig niya,” kuwento ng aming source.

Ang dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang partner, “Napagod na lola mo, teh! Walang kusang palo, naghihintay lang ng grasya. Hindi porke’t guwapo siya, hindi na siya kapalit-palit! Yes, kahit pa nuknukan siya ng kaguwapuhan at kahit maraming babaeng nababaliw sa kanya, kapalit-palit siya!” diin ng aming source.

Teka, maganda ba ang girlfriend? “Well, hindi naman siya kapalit-palit kahit hindi siya kagandahan at matalino! ‘Yan ang importante, matalino at maabilidad at higit sa lahat, may work!” sabi ulit ng aming kausap.

Hmmmm, sino kaya ang girlfriend at ayaw banggitin sa amin.

READ MORE: Plastikadang female star reyna ng mga tsismosa, mahilig manira ng katrabaho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending