Plastikadang female star reyna ng mga tsismosa, mahilig manira ng katrabaho | Bandera

Plastikadang female star reyna ng mga tsismosa, mahilig manira ng katrabaho

Cristy Fermin |November 22,2019
facebook
share this

Plastikadang female star reyna ng mga tsismosa, mahilig manira ng katrabaho

Cristy Fermin - November 22, 2019 - 12:25 AM

NUKNUKAN ng pagkatsismosa ang isang kilalang female personality na walang ginagawang anumang proyekto pero palaging laman ng mga balita. Ganu’n kung ilarawan siya ng mga taong sinisiraan niya.

Hindi lang daw maninira ang babaeng personalidad kundi plastic pa, dahil kapag nakakasama niya ang mga taong ‘yun ay super-sweet siya, pero sa talikuran naman pala ay inooperahan ang kanilang pagkatao.

Marami na siyang nagiging biktima, kung anu-anong kuwento ang inililipat niya sa tenga ng mga taong nakakasama niya, walang kaalam-alam ang kanyang mga sinisiraan na wasak na wasak na pala sila.
Ang dahilan?

Kuwento ng aming source, “Ganu’n talaga siya ka-insecure! Maganda naman siya, matalino rin, pero kung bakit kapag nakakabog siya ng kahit sino, e, umaariba na agad ang pagiging maninira niya!

“Isa pa, kapag sa pakiramdam niya, e, matataypan ng karelasyon niyang businessman ang babae, e, agad na niyang sisiraan. Walang kaalam-alam ang mga nakakasama niya na ginaganu’n pala sila ng female personality!

“Pero talikuran, siyempre, duwag naman kasi ang babaeng ‘yun! Hindi siya nakalalaban nang head-on, subukan lang niya!” nag-iinit na chika ng aming impormante.

Maging ang isang sikat na male personality ay binibiktima rin ng tsismosang babaeng ito, panay-panay ang kanyang pamamalita na kung anu-ano ang hinihingi-hinihiram nito sa kanyang karelasyong negosyante.

“Napaka-insecure talaga ng babaeng ‘yun! Pati ba naman ang sikat na male personality na walang-walang ginagawang anumang masama sa kanya, e, idinadamay rin niya!

“Praning! Kapag naramdaman talaga niyang may time ang karelasyon niya sa kahit sino, e, aandar na ang kapraningan niya!

“Magtrabaho na lang kasi siya! Pakinabangan niya ang talent niya, para maging busy naman siya! Walang mangyayari sa buhay niya kung puro na lang paninira sa mga co-stars niya ang gagawin niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Napakasarap hambalusin ng bareta ng sabon ang babaeng ito! Tsismosa!” naiinis pa ring pagtatapos ng aming source.

Napakadaling hulaan kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, walk in the park lang ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending