Vico Sotto umalma sa fake news: Lahat na lang ginagawang politika! | Bandera

Vico Sotto umalma sa fake news: Lahat na lang ginagawang politika!

Bandera |December 06,2019
facebook
share this

Vico Sotto umalma sa fake news: Lahat na lang ginagawang politika!

Bandera - December 06, 2019 - 12:05 AM

MABILIS na niresbakan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang netizen na nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya sa social media.

Malisyoso at wala raw katotohanan ang sinasabi ng kanyang basher na habang binabaha ang Pasig dahil sa Bagyon Tisoy ay nakikipag-date raw siya kay Gretchen Ho. Spotted kasi ang alkalde at ang TV host-athlete na magkatabing nanonood ng volleyball game sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa PhilSports Arena sa Pasig bilang bahagi pa rin ng Southeast Asian Games 2019.
Ipinost ng netizen ang litrato nina Vico at Gretchen kasabay ng akusasyon na “missing in action” umano ang alkalde at tila wala itong pakialam sa kalagayan ng Pasig habang bumabagyo.

“Kung bumabaha sa Pasig at this very moment at kailangan ng agarang aksyon, your Mayor is seen with a Ho! May good time si Yorme sa panahon ng bagyo!” akusasyon ng hater.

Sinagot naman ito ng anak nina Coney Reyes at Vic Sotto sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, “Lahat na lang ginagawang politika. Wag nyo naman idamay ang Pasig sa fake news dahil kahit nung kalakasan ng ulan nung 2pm hindi bumaha sa Pasig.

“Magandang makanuod ng laro sa Pasig ang mga opisyales ng Pasig. Suportahan na lang natin lahat ang mga Atletang Pilipino, di ba?” aniya pa.

Wala namang sinabi si Mayor Vico kung nagkataon lang o talagang nag-usap sila ni Gretchen na sabay manood ng volleyball game sa PhilSports Arena. Ayon naman sa kampo ni Gretchen, naroon ang ex-girlfriend ni Robi Domingo para mag-cover ng SEA Games events bilang reporter ng ABS-CBN. Sa mga hindi pa nakakaalam, pareho ring alumni ng Ateneo de Manila University sina Vico at Gretchen.

Nang lumabas ang mga litrato nina Vico at Gretchen ay maraming netizens ang kinilig at nagsabing bagay na bagay sila. Sana raw ay sila na lang dahil pareho naman silang single ngayon. Nauna nang sinabi ni Mayor Vico na wala pa siyang panahon sa pakikipag-date, mas gusto kasi niyang mag-focus muna sa kanyang trabaho sa Pasig at kung may libre naman siyang oras ay mas gusto niya itong ilaan sa pagtulog.

Sa isang panayam, inisa-isa ng alkalde ang qualities na hinahanap niya sa isang babae, “Ang gusto ko po sana, although hindi naman po tayo magiging choosy ano—gusto ko ho sana yung matalino. May hitsura naman. Nothing special.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending