Isabela binaha: 2 nawawala, higit 5K lumikas | Bandera

Isabela binaha: 2 nawawala, higit 5K lumikas

John Roson - December 05, 2019 - 04:45 PM

DALAWANG tao ang naiulat na nawawala at mahigit 5,700 ang nagsilikas sa gitna ng malawakang pagbaha na dulot ng malakas na ulan sa lalawigan ng Isabela.

Naiulat ang mga nawawala sa Brgy. Balug at Brgy. Lanna, kapwa ng bayan ng Tumauini, ayon kay Capt. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela provincial police.

Sa tala ng pulisya, sinasabing nasa 5,763 katao ang nagsilikas dahil sa mga pagbaha sa mga bayan ng Cabagan, Cauayan City, Ilagan City, Roxas, San Mateo, Luna, San Pablo, San Isidro, Benito Soliven, San Mariano, Alicia, Cabatuan, Delfin Albano, at Tumauini.

Nakikisilong ang mga nagsilikas sa 462 evacuation center, habang isinusulat ang istoryang ito.

Dahil din sa pagbaha, apat na kalsada at 19 tulay sa lalawigan ang di madaanan, Huwebes ng hapon.

Inuulat ng mga lokal na awtoridad na ang pagbaha’y dulot ng bagyong “Tisoy” pero ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Adminstration, nakalabas na ng bansa ang bagyo alas-8 ng umaga.

Gayunman, nagbabala ang PAGASA laban sa malalakas na pag-ulan, na maaaring idulot ng bugso ng hanging amihan, sa Cagayan Valley region kung saan napapabilang ang Isabela, pati na sa Apayao at Kalinga ng Cordillera region, at sa lalawigan ng Aurora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending