Horoscope, Nov. 28, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 28, 2019

Madam Sophia |November 28,2019
facebook
share this

Horoscope, Nov. 28, 2019

Madam Sophia - November 28, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sa iba ay nauubos ang suwerte, sa iyo tuloy-tuloy lang ang dating ng buenas at magagandang kapalaran. Kung saan, habang nalalapit ang kapaskuhan, mas marami pang mga biyaya ang kusang didikit sa iyong katawan, at kahit na pagpagin mo pa ito, hindi ito aalis bagkus ay lalo pang darami. Markahan ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Yellow at red ang buenas. Swerte ang initial na K. at L.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi mabuti ang sobrang galante. Upang masolusyunan, ang pagiging bulaksak, mag-hanap ka ng kasuyong kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong makakaipon at yayaman. Markahan ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Beige at blue ang buenas. Swerte ang initial na C. at S.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag hayaang lumayo ang kasuyong Capricorn, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung patuloy na mag-iissa. Hanggat may panahon pa habulin mo siya. Markahan ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Red at maroon ang buenas. Swerte ang initial na H. at S.
Gemini – (May 21-June 21)—Hectic na activities ang nagbibigay ng suwerte sa mga Gemini. Kumilos ka ng kumilos at mag-exercise ng regular tuwing umaga. Kapag kilos ka ng kilos, mas maraming biyaya at masarap na romansa ang masasagap ng aktibo mong pangangatawan. Markahan ang 5, 9, 14, 34, 43, at 49. Gray at pink ang buenas. Swerte ang initial na T. at A.
Cancer – (June 22- July 22)—Nakita ng langit ang pagiging mabuti mo kaya bibigyan ka ng gantimpala. Tuloy-tuloy na suwerte ang mapapasa iyo sa pag-ibig, sa relasyn at sa pera. Maging maingat sa pag-gastos upang may matira pang salapi para pang handa sa paskong darating. Markahan ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Green at violet ang buenas. Swerte ang initial na F. at B.
Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang makibarkada sa mga taong may negatibong kaisipan, sa bandang huli matutulad ka rin sa kanila. Sa halip piliin ang mga taong positibo ang pananaw sa buhay, sila ang pakisamahan mo at kabarkadahin, sa kanila maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong makukuha. Sa lovelife, habang lumalamig ang panahon lalo naming umiinit ang romansa. Markahan ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Magenta at yellow ang buenas. Swerte ang initial na B. at M.
Virgo – (August 23 – September 22)—Araw-araw gumising ng maaga, mag-ehersisyo at mag dasal. Sa ganyang paraan, maaga kang gumigisng at pina-priority ang kalusugan mas madali kang uuunlad at liligaya. Markahan ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Silver at lilac ang buenas. Swerte ang initial na R. at M.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa ka-pamilyang nangangailangan. Markahan ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Pink at violet ang buenas. Swerte ang initial na D. at J.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Ngayon pa lang pag handaan na ang Pasko. Iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Tandaang sa Holiday Season na ito higit na magpapaligaya ang pamilya kung marami kayong pera. Markahan ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Violet at purple ang buenas. Swerte ang initial na S. at K.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Laging magsuot ng kulay na pula. Sa ganyang paraan mas madali mong maaakit ang suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife, dahil sa kulay na pula, aani ka ng masarap na romansa. Markahan ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Blue at red ang buenas. Swerte ang initial na O. at F.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi ka yayaman sa sariling bayang sinilangan. Upang umunlad at lumigaya maghanap ng pagkakakitaan, sa malayong lugar. Markahan ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Yellow at red ang buenas. Swerte ang initial na J. at I.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag isiping matanda ka na! May asim ka pa rin! Bago matapos ang Nobyembre, darating ang isang nilalang na may asim pa ring tulad mo, isang masayang relasyon ang mabubuo. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid, pero bakit hindi mo magawa? Gastador ka kasi! Markahan ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Orange at blue ang buenas. Swerte ang initial na S. at M.
Pisces – (February 19 – March 20)— Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, upang maakit ang maraming-maraming pera, mag-display ng aquarium sa entrada ng bahay. Lagyan ng 8 isdang pula at isang isdang itim, puwede ring: 8 isdang itim at isang isdang pula. Markahan ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Red at black ang buenas. Swerte ang initial na T. at Y.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending