4 na paaralan sa MM magsususpinde ng klase para SEA Games
APAT na paaralan sa Metro Manila ang nakatakdang magsuspinde ng klase para sa isasagawang Southeast Asian (SEA) Games, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa isang Viber message, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na kabilang sa mawawalan ng pasok ang mga sumusunod na eskwelahan.
-Arellano Law School – Disyembre 2 hanggang Disyembre 7
-St. Scholastica’s College – Disyembre 2 hanggang Disyembre 7
-St. Paul College Pasig – Disyembre 2 hanggang 6
-St. Pedro Poveda College – Disyembre 2 hanggang 6
Nauna nang naghayag ang De La Salle University-Manila ng suspensyon ng pasok mula Disyembre 2 hanggang 7 para bigyang daan ang SEA Games.
Nauna nang inirekomenda ng MMDA ang suspensyon ng klase sa pitong unibersidad at kolehiyo sa Maynila.
Magsisimula ang SEA Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.