UMABOT sa P1.2 milyong halaga ng mga ari-arian nag naabo matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Makati City, kaninang umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa isang ulat, sinabi ng BFP na tinatayang 26 na mga kabahayan ang natupok sa JP Rizal kanto ng Varona streets, Barangay Tejeros.
Idinagdag ng BFP na 72 pamilya ang apektado ng sunog.
Sinabi ng mga opisyal na wala namang nasaktan sa sunog.
Nagsimula ang apoy sa isang kuwarto ng isang residente.
Umabot sa ika-apat na alarma ang apoy na nagsimula gabap na alas-8:03 ng umaga at idineklarang naapula na ganap na alas-10 ng umaga, ayon sa BFP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.