Horoscope, Nov. 26, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 26, 2019

Madam Sophia - November 26, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bagamat may lungkot na nadarama, pagpasok ng Disyembre may darating na bagong ligaya. Sa lovelife, habang nag-aamoy pasko na ang kapaligiran, may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansyal at kadatungan, malapit na malapit nang makahawak nang malaking halaga ng salapi. Markahan ang 2, 19, 23, 38, 41at 48. Orange at blue ang buenas. Suwerte sa initial na F. at P.
Aries – (Marso 21-April 19)—Madaragdagan ang gastusin, dahil malapit na naman ang kapaskuhan, kailangang magtipid. Sa lovelife, ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Markahan ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Blue at apple green ang buenas. Suwerte sa initial na N. at P.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag ka ng malungkot at mag-alala. Nakita ng nasa itaas ang kabutihan ng iyong loob at mga pagtulong na yong ginagawa. Inilista ng langit ang iyong pangalan sa mga pagkakalooban ng suwerte at magandang kapalaran. Kapag may sumobrang suwerte sa iyong matatanggap, ipamigay mo sa mga mahihirap, upang lalo pang dumami ang mga biyayang darating sa iyo. Markahan ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Red at white ang buenas. Suwerte sa initial na S. at G.
Gemini – (May 21-June 21)— Malapit na malapit na ang pasko at ang hindi mo alam, bago sumapit ang pasko may sopresang ipagkakaloob sa iyo ang langit. Ituloy mo lang ang mga kabutihan sa kapwa na dati mong ginagawa. Gagantimpala ka na nang langit ng malaking suwerte at magandang kapalaran na sa sandaling natanggap mo ay halos hindi ka makapaniwala sa sobrang ganda at dami ng mga biyaya na iyong matatanggap. Markahan ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Blue at gray ang buenas. Suwerte sa initial na F. at J.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag umasa sa iba, nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Sa lovelife, ikaw ang dapat magsikap upang muling uminit ang pakikipag-relasyon sa isang Scorpio. Markahan ang 1, 5, 19, 28, 40 at 46. Yellow at white ang buenas. Suwerte sa initial na R. at J.
Leo – (July 23 – August 22)— Muli kang kakasyahan ng langit, silang mga naghahangad ng iyong pagbagsak ang mapapahamak. Habang silang mga naiingit sa iyo ay lalong maghihikahos at maghihirap, habang ikaw naman ay patuloy sa pamamayagpag at pagyaman. Bilang ganti sa mga biyaya na iyong natatanggap, ugaliin mong tumulong sa mga nangangailangan at naghihirap upang magpatuloy na dumating sa iyo ang mas marami pang mga suwerte at magagadang kapalaran. Markahan ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Green at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na H. at L.
Virgo – (August 23 – September 22)—Upang sumarap ang pasok ng Disyembre, lambingin ang kasuyo tuwing sasapit ang madaling araw. Sa pinansyal, tulad ng nagdaang mga araw, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 6, 15, 23, 33, 39, at 45. Blue at pink ang buenas. Suwerte sa initial na M. at S.
Libra – (September 23-October 23)—Mas mabilis na uunlad kung patuloy kang magpapakumbaba. Sa lovelife, wag masyadong maangas upang hindi mainis sa iyo ang kasuyo. Markahan ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Beige at violet ang buenas. Suwerte sa initial na M at H.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag tatamad-tamad, sa halip dagdag na sipag ang dapat upang mas mabilis na kumita ng malaking halaga. Sa lovelife, dagdagan ng init ang pakikipag-romansa sa kasuyo upang hindi ka nya palitan. Markahan ang 5, 8, 28, 33, 45, at 49. Red at purple ang buenas. Suwerte sa initial na S. at P.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa simpleng buhay mas magiging maligaya ang karanasan. Sa pinansiyal, tigilan na ang pag-iisip kung paano yayaman, kusang darating yan! Sa lovelife, wag ng isama ang kasuyo sa pagsha-shopping, magugulo lang ang diskarte mo. Markahan ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Green at white ang buenas. Suwerte sa initial na G. at A.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag ma-guilty sa mga bagay na hindi natapos. Sabihin sa sarili, “yan lang ang nakayanan!” Sa lovelife, kung laging nagre-request ng kung ano-ano ang kasuyo, ipaliwanag sa kanyang, hindi mo yon kayang gawin o hindi mo yon kanyang ibigay. Markahan ang 6, 15, 28, 34, 41 at 44. Pink at gold ang buenas. Suwerte sa initial na C. at R.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Paikot-ikot lang ang kapalaran. Ngunit mamangha ang mga naiingit at umiintriga sa iyo. Paghinto ng gulong ng kapalaran, makikita ka nilang nasa ibabaw, habang sila ay nasa ilalim. Ang kakaiba, hindi na makakalis sa ilalim ang iyong mga lihim na kaaway. Markahan ang 7, 16, 24, 34, 43, at 48. Blue at silver ang buenas. Suwerte sa initial na T. at E.
Pisces – (February 19 – March 20)—May pinapagawa sa iyo sa ngayon ang langit at ito ay ang batiin mo ang bawat araw na puno ng pag-ibig ang iyong puso. Dapat mo ring ngitian ang bawat makakasalubong mo sa daan. Kapag nagawa mo yan, ang langit din ang magpapala sa iyo, papaulanan ka ng sunod-susnod na suwerte at magagandang kapalarang mararamdaman mo sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Disyembre. Markahan ang 1, 19, 28, 32, 44 at 47. Violet at orange ang buenas. Suwerte sa initial na M. at S.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending