Utangerang aktres kakasuhan, hindi na nakakabayad | Bandera

Utangerang aktres kakasuhan, hindi na nakakabayad

Cristy Fermin - November 26, 2019 - 12:09 AM

MALAKAS ang loob ng isang kilalang female personality na mangutang para maipangpuhunan sa mga itinatayo niyang negosyo pero meron siyang amnesia pagdating na sa bayaran.

Maraming negosyante na ang nautangan ng babaeng personalidad na isa lang ang sinasabi, puro siya pangako, pero palagi namang napapako ang kanyang pagbabayad.

Kuwento ng isang source, “Merong nagmagandang-loob na magpautang sa kanya nang milyones. Ang pangako niya du’n sa negosyante, e, siya ang magbabayad monthly. Sa isang bank kasi nila kinuha ang datung!

“Natural, dahil ‘yung businessman ang nag-guarantee sa kanya, kapag hindi siya nakatupad sa pagbabayad, e, sa account nu’ng inutangan niya kukunin ang dapat na hulog niya!

“Okey naman siya nu’ng una, nakapagbabayad naman siya, walang problema sa kanya ang businessman! On time siyang magbayad sa bank!

“Pero heto na, unti-unti na siyang hindi nakapaghuhulog sa bank, kaya ang ending, sa account ng businessman kinukuha ng bank ang monthly hulog niya!” umpisang chika ng aming impormante.

Okey lang naman sana sa negosyante kung bumabawi siya, pero ang ginagawa kasi ng female personality, parang siya pa ang nagmamalaki.

Kuwento uli ng aming source, “Minsan, narindi na ang nag-guarantee sa kanya sa bank, sunud-sunod na buwan na kasi siyang hindi nakakabayad, kaya sa account nu’ng tao iniaawas ng bank ang dapat niyang payment.

“Ang sabi sa kanya nu’ng pinagkakautangan niya, ‘Ano ba naman ‘yan? Kaharap ako nu’ng sabihin mo sa bank monthly, e, hindi ka papalya sa payment mo! Ano ngayon ito? Sa akin ibinabawas ang hulog mo, gumawa ka naman ng paraan para makapagbayad ka!”

“Ang sagot ng girl, ‘E, wala nga po akong magawa, kasi, wala po akong mga projects ngayon. Saan naman ako kukuha ng pambayad, e, wala nga akong ginagawang movie?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagalit na sa kanya ang negosyante, mukhang aabot sa korte ang isyung ito, naririndi na kasi sa kanya ang nagmagandang-loob lang namang mag-guarantee sa kanya!

“Naku, ha? Kung makapangutang kasi ang babaeng ‘yun, e, parang may mina siya ng ginto! Wala naman pala siyang pambayad, e, utang siya nang utang!” inis na kuwento ng aming impormante.
Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, nandiyan na ang napakalinaw na clue!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending