Hugot ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson: Sila ang dapat mahiya! | Bandera

Hugot ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson: Sila ang dapat mahiya!

Ervin Santiago |November 25,2019
facebook
share this

Hugot ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson: Sila ang dapat mahiya!

Ervin Santiago - November 25, 2019 - 06:13 PM

BEA ALONZO AT GERALD ANDERSON

KAHIT hindi diretsahang pinangalanan, naniniwala ang madlang pipol na sina Gerald Anderson at Julia Barretto ang tinutumbok ni Bea Alonzo sa mga naging pahayag niya sa Gandang Gabi, Vice last Sunday.

Magkasamang nag-guest sina Bea at Angelica Panganiban sa GGV para sa promo ng kanilang pelikulang

“Unbreakable” at isa nga sa naging topic nila ay ang kani-kanilang lovelife.

Natanong ni Vice Ganda ang Kapamilya actress tungkol sa process ng pagmu-move on after ng break-up sa kanyang pakikipagrelasyon.

“Isa siguro ako sa mga tao na hindi ko palagi sinasabi yung nararamdaman ko, but when you free yourself of that void, kahit paano meron kang natutulungan.

“Kahit paano meron din tutulong sa ‘yo, merong magko-console sa ‘yo, and it feels so much better na feeling mo hindi ka nag-iisa,” simulang pahayag ng dalaga.

Hirit naman ni Vice, “Hindi ninyo ikinahiya na aminin na nadapa kayo. Di ba, yung ibang tao hindi aaminin na ‘nadapa ako, nagkamali ako’?

“Ang ipapakita lang nila yung maganda, yung strength lang. Pero yung weakness, tinatago.

“Pero kayong dalawa, open kayo at ina-acknowledge niyo na may weaknesses kayo,” pahayag ng Unkabogable Star.

Sinagot naman ito ni Bea ng, “Tsaka na-realize ko, sila yung dapat mahiya, hindi kami.”

Dito na tinuksu-tukso nina Vice at Angelica si Bea dahil mukhang napakalalim nga ng hugot niya patungkol kay Gerald. Sey ni Vice, “Iba rin! Hindi lang isang tao!”

Humagalpak naman si Bea sabay turo kay Angelica na tila nais sabihin na para sa kanila ng kanyang kaibigan ang sinabi niya dahil nawasak din ang puso ni Angge dahil sa lalaki. Natatawang chika ni Angelica, “At isinama ako!”

Hirit uli ni Vice, “Hininaan pa niya, e. Hindi niya alam naka-mic siya. ‘At na-realize ko na dapat pala sila yung mahiya.’”

Dagdag pang panuntukso ng GGV host kay Bea, “Akala mo tatlo lang tayo, ‘no? Pero marami palang tao ‘tapos naka-mic ka pa. At ang pinakanakakaloka, naka-record ‘to!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Singit naman ni Angelica, “Worldwide, Mami!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending