Glaiza ihahanap ng dyowa si Angelica: baka foreigner din ang ka-match niya!
AS a friend ay super ang pagmamahal ni Glaiza de Castro sa kanyang amigang si Angelica Panganiban.
When asked kung nagba-bonding sila lately, sinabi ni Glaiza na baka magkita sila sa premiere night ng
“Unbreakable” na pinagsamahan ni Angge at ni Bea Alonzo.
“Okay naman. Baka magkita kami sa premiere niya. I will be there to support her,” say ni Glaiza sa 37th Luna Awards Nominees Night.
Aware si Glaiza na medyo matagal-tagal na ring walang boyfriend si Angelica kaya naman type niyang mag-match dito ng possible boyfriend.
“Marami na akong nakikitang puwede. Oo, foreigner din. Sinasabi ko sa kanya, ‘baka amiga, parang hindi tayo pangdito,’” say ng dalaga.
When asked kung bukas ba si Angelica sa possibility na magkaroon ng foreigner na boyfriend na kagaya niya, say ni Glaiza, “Open yun. Io-open ko siya. ‘Yun na lang ang kulang. I am praying for her constantly.”
Kasama ni Glaiza ang Irish businessman-boyfriend niyang si David Rainey sa nominees night. Sobrang supportive pala nito sa kanya. Ang guwapo ng binata at halatang gustung-gusto niya ang pagsama kay Glaiza sa mga events.
Wala nga itong reklamo nang hilingin ng press na makunan sila ng photo.
###
Bea Alonzo admitted that there was a time na she and her “Unbreakable” co-star Angelica Panganiban were not on speaking terms.
But that’s a thing of the past as they have rekindled their friendship.
“Naranasan namin ‘yan, matagal. Kahit na noong mga panahon na hindi kami nakakapag-usap at may mga napapanood ako na mga bagay tungkol sa kanya, alam mo ‘yung you get still affected.
“You still think about the person, you still wish and pray that she gets better and she feels better and ‘yun walang ka-showbisan.
“Alam mo na life happens, pero this person is a good person and she deserves the best, and I’m so glad that I could tell her that now.” That was Bea’s kuwento sa presscon ng “Unbreakable.”
It helped that they share common ground – they were loveless now.
“Malaking bagay na may pinagdaanan siya in the past tapos ako din halos pareho ‘yung pinagdaanan namin. Parang ‘di ba ganoon ‘yun, kapag nakaka-relate kayo sa pinagdaanan ng isa’t isa parang mas bonded kayo kasi tinutulungan ninyo ang isa’t isa na mag-heal, na maka-move on,” say ni Bea.
“Kapag may moments na down ‘yung isa, may magsasabi na, ‘ang dami mo nang kinaya, bakla, ito pa ba?’ Ang feeling ko nga everything just fell into place noong tinanggap namin ang movie na to. Parang lahat nangyari nang tamang panahon,” dagdag pa ni Bea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.