Horoscope, Nov. 22, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 22, 2019

Madam Sophia |November 22,2019
facebook
share this

Horoscope, Nov. 22, 2019

Madam Sophia - November 22, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi matatapos ang araw, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa lovelife, tuloy ang masarap na pakikipagromansahan sa kasuyong tumataba na ang pangangatawan at tumataba pa ang bulsa. Markahan ang 7, 11, 20, 34, 43, at 49. Yellow at maroon ang buenas. Swerte sa initial na R. at K.
Aries – (Marso 21-April 19)—Anuman ang problema, lilipas din ‘yan! Kapag nakahawak ng malaking halaga, bayaran na agad ang mga pagkakautang. Sa lovelife, sa buwan ng Disyembre ay isang masarap at nakalalangong romansa ang mararanasan. Markahan ang 7, 16, 27, 39, 43, at 47. Blue at purple ang buenas. Swerte sa initial na J. at K.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pagtitiyaga, makakamit ang tagumpay. Sinop-sinop lang ng kabuhayan ang pormula upang yumaman. Sa lovelife, kaunting pakiusap pa mapapahinuhod mo rin ang kasuyo na ikaw ay pagbigyan. Markahan ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na M. at A.
Gemini – (May 21-June 21)—Ito ang araw na hindi ka dapat magpaapekto sa mga negatibong tao. Kapag kinontra ka, layuan mo sila agad. Habang nanatiling positibo ang iyong isipan, tuloy-tuloy na darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Sa lovelife, huwag pakialaman ang trip ng kasuyo upang hindi kayo mag-away. Markahan ang 7, 18, 21, 23, 27 at 45. Pink at yellow ang buenas. Swerte sa initial na D. at G.
Cancer – (June 22- July 22)—Habang tinutulungan ka ng iba, lalo kang uunlad at yayaman. Sa lovelife, bigyan ng pabor ang kasuyong Capricorn. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 43 at 47. Blue at pink ang buenas. Swerte sa initial na M. at N.
Leo – (July 23 – August 22)— Ito ang araw na aayon sa iyo ang lahat ng mga pangyayari. Humiling ka at ito ay medaling matutupad sa buwan ng Disyembre. Hiling na! Sa lovelife, ang pangamba ay nasa isip lang – ituloy ang lihim na relasyon. Markahan ang 6, 18, 27, 33, 35, at 49. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na P. at T.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pinansyal, kahit na may pagkakuripot, nakapagtatakang dating pa rin sa iyo nang dating ang suwerte. Ganyan talaga ang madasalin. Ipagpatuloy ang paghingi ng awa kay Lord upang lalo ka pang hulugan ng mas marami pang mga biyaya ng langit. Markahan ang 7, 17, 26, 39, 40, at 49. Lilac at maroon ang buenas. Swerte sa initial na H. at S.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi na maibabalik ang nakaraan. Wag mabuhay sa panghihinayang. Sa lovelife, pagtiyagaang mahalin ang kasuyong pangit. Sa pinansyal, itago at wag gastusin ang bonus at 13th month pay – pang-savings mo na ‘yan! Markahan ang 5, 18, 23, 34, 38 at 49. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na K. at M.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagkukunat ang sikreto ng pagyaman. Hindi na uso ang belekoy ngayon. Sa lovelife, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Markahan ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Gold at blue ang buenas. Swerte sa initial na U. at L.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Katulad ng ulan, bubuhos ang maraming salapi! Pero hindi ka dapat matuwa dahil tulad ng baha, mabilis ding mauubos ang pera. Matuto kang magtipid. Sa lovelife, tuloy ang lihim na relasyon. Markahan ang 4, 8, 19, 28, 34, at 42. Yellow at red ang buenas. Swerte sa initial na
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag nang ulitin pa ang nakaraang pagkakamali! Upang hindi ka na uli masuba, piliin ang papautangin. Ganoon talaga ang buhay sa ngayon, nagkalat ang mga balasubas! Sa lovelife, sa isang Cancer makasusumpong ng tunay na pag-ibig. Markahan ang 2, 7, 16, 20, 29, at 44. Orange at yellow ang buenas. Swerte sa initial na T. at I.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasang makipagtalo. Sa sandaling nasuong sa isang diskusyon, masisira lang ang araw mo. Sa lovelife, at sa lahat ng bagay, panatiliin ang pagiging mahinahon. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 33, at 46. White at blue ang buenas. Swerte sa initial na M. at W.
Pisces – (February 19 – March 20)—May paglalakbay na darating. Sunggaban agad upang ikaw ay umunlad. Sa lovelife, tiisin ang pansamantalang paglayo sa pamilya, kaysa naman nandito ka lang pero patuloy kayong naghihirap at naghihikahos. Markahan ang 3, 12, 21, 27, 30 at 46. Orange at pink ang buenas. Swerte sa initial na P.M.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending