GGV nakakaumay na; natalo na nina Boobay at Tekla | Bandera

GGV nakakaumay na; natalo na nina Boobay at Tekla

Cristy Fermin |November 21,2019
facebook
share this

GGV nakakaumay na; natalo na nina Boobay at Tekla

Cristy Fermin - November 21, 2019 - 12:10 AM


KAILANGAN na sigurong mag-usap-usap ang mga scriptwriters ng lingguhang programa ni Vice Ganda para hindi sila nauungusan ng katapatan nilang comedy show.

Ang pagbabalangkas ng isang programa ay ihinahambing sa pagkain. Kapag palaging ‘yun at ‘yun din ang ihinahain ay nagsasawa ang publiko, naghahanap ng bago, at kapag nakita na nila ang kanilang hinahanap ay lumilipat na sila nang tuluyan.

Sa paminsan-minsan naming pagsilip sa programa ni Vice Ganda ay pare-parehong eksena lang ang nakikita namin. Kahit ang aming mga kaibigan ay nagsasawa na sa kanyang mga atake.

Meron siyang mga kasamang becki na pinaaarte niya, pinagugulong pa sa entablado kung minsan, mukhang hindi na epektibo ang mga ganu’ng arya ni Vice ngayon.

Hindi kaya masyado na ring exposed ang sikat na komedyante-TV host kaya humihina ang kanyang show?

Araw-araw na kasi siyang napapanood sa It’s Showtime, babad na babad na siya du’n, kaya ano pa nga ba ang matitira niyang atake sa Gandang Gabi, Vice?

Ganu’n din naman kasi ang ginagawa niya sa GGV, komedyang walang puknat, araw-araw nang napapanood ng ating mga kababayan ang ganu’n sa kanyang daily noontime show.

Napakasaya siyempre nina Boobay at Super Tekla dahil nalamangan nila si Vice Ganda, nagbubunyi ang tropa, na isang malaking senyal na kailangan nang mag-isip ng mga bagong pasabog ang programa ng pinakareynang becki ng telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending