Boyet, Tirso, Bobot hiyang-hiya sa guesting sa ‘I Can See Your Voice’ | Bandera

Boyet, Tirso, Bobot hiyang-hiya sa guesting sa ‘I Can See Your Voice’

Bandera - November 19, 2019 - 01:15 AM

CHRISTOPHER DE LEON, TIRSO CRUZ III AT EDGAR MORTIZ

RIOT at talagang trending na naman ang nakaraang episode ng favorite tambayan n’yo every Saturday night, ang I Can See Your Voice.

Hosted by Luis Manzano, sumabak sa hulaan challenge ang mga award-winning veteran actors at magkakaibigan sa tunay na buhay na sina Christopher de Leon, Tirso Cruz III at Edgar Mortiz.

Siyempre, umaatikabong tawanan at kanya-kanyang paandaran na naman ang naganap sa pagitan ng mga Sing-vestigators na sina Alex Gonzaga, Andrew E, Kean Cipriano, Wacky Kiray at Jobert Austria na pansamantalang pumalit kay Bayani Agbayani.

Aliw na aliw nga ang tatlong tinaguriang Titos of Manila sa kanila, lalo na nang mag-acting challenge sina Alex at Wacky na ang mga eksena ay hango sa mga pelikula ng mga celebrity guests. Idagdag pa ang pang-aasar sa kanila ni Luis na bentang-benta rin sa madlang pipol.

Bukod diyan, dahil nga mga Titos of Manila ang celebrity guests nila, tawanan din ang madlang pipol sa kuwento ni Wacky tungkol sa hindi niya malilimutang karanasan kasama ang kanyang tito.

“Sinamahan niya akong magpatuli noon, tapos nagulat ako dahil sumabay na rin siya!” hirit ng komedyante.

Samantala, in fairness naman may mga nahulaan namang mga seen-tunado sina Boyet, Pip at Bobot sa bagong batch ng contestants ng ICSYV last Saturday pero marami rin silang natanggal na certified singers pala.

Pero sa ending, hiyang-hiya ang tatlong magkakaibigan dahil isang certified seen-tunado ang napili nila – si Che Lazo na isa palang kontesera sa mga bikini open. At kahit hindi tunay na singer, wagi pa rin siya ng P25,000.

Nang tanungin ni Luis kung kumusta ang naging experience nila sa ICSYV, sagot ni Tirso, “Masaya at saka nakakahiya! Nakakahiya kami. Yung tinanggal namin, ang gagaling palang kumanta!”

Napapanood pa rin ang I Can See Your Voice tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending