Male star matinding pagsubok ang hinarap bago napaamo ang parents ng dyowang celeb

By Cristy Fermin November 16,2019
share this

Male star matinding pagsubok ang hinarap bago napaamo ang parents ng dyowang celeb

By Cristy Fermin November 16,2019
share this

NATURAL lang na nagkukuwento rin naman sa kanyang mga amiga ang sobrang protective na ina ng isang sikat na female singer.

Meron din naman siyang hindi nagugustuhan sa karelasyon ng kanyang anak na singer-actress.

Kuwento ni mommy ay hindi raw naman kasi humaharap sa kanila ang manugang nilang hilaw, sa girlfriend lang ito nagsasabi ng kanyang emosyon, kundi man sa kanyang social media account.

Sabi ng isang source, “May mga friends din naman ang mommy ng famous personality, du’n na lang siya naglalabas ng mga hugot niya tungkol sa isyu.

“Kunwari, sinasabi niya na parang ilag sa kanila ‘yung guy, hindi sila kinakausap ng husband niya, kaya nalalaman na lang nila kung ano ang saloobin nu’ng male personality through their daughter.

“‘Yung anak na lang nila ang nagkukuwento, kasi nga, e, hindi naman nagpupunta sa house nila ang guy.

Hindi tuloy nila alam kung masyadong mahiyain ang manugang nilang hilaw o umiiwas lang talaga sa kanila,” unang chika ng aming impormante.

Mula sa isang buena familia ang male personality, kilalang-kilala ang kanilang pamilya sa probinsiya nila, pinagdudahan nu’ng una ng pamilya ng female personality ang kanyang boyfriend.

Patuloy ng aming source, “Baka naman kasi hanggang ngayon, e, naaalala pa rin ng guy kung paano siya pinagdudahan ng family ng girlfriend niya!

“Kasi naman, nagduda nu’n ang pamilya ng girl na baka gamitin lang niya ang babae, di ba? Naging matapang lang ang girl, ipinaglaban niya talaga ang pagmamahalan nila, ipinaliwanag niya sa parents niya na maling-mali ang iniisip nila tungkol sa guy.

“‘Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi masyadong close ang guy sa family ng girlfriend niya, ikaw ba naman ang paimbestigahan? Ikaw ba naman ang pagdudahan na peperahan mo lang ang girl?

“Natural, nasa utak niya ‘yun, palagi niyang naaalala, kaya hindi siya masyadong nakikipag-usap sa parents ng girl! Matindi ang pinagdaanan nilang mag-boyfriend bago niya nakuha ang loob ng parents ng babae, sa totoo lang!

“Pero tapos na ‘yun, malapit na silang magpakasal, ‘yun na lang ang hinihintay ng mga fans nila, ang finally, e, pagharap sa altar ng mga idolo nila,” pagtatapos ng aming impormante.

Give na give na kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kaya wala nang karagdagang clue!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending