Vice: Minsan nang nag-resign si Ion sa Showtime, umiiyak siya lagi sa nanay niya…

By Ervin Santiago November 15,2019
share this

Vice: Minsan nang nag-resign si Ion sa Showtime, umiiyak siya lagi sa nanay niya…

By Ervin Santiago November 15,2019
share this

NAGTANGKA na palang mag-resign si Ion Perez sa It’s Showtime dahil hindi na niya kaya ang grabeng pamba-bash sa kanya sa social media.

Pinigilan lang daw siya ng management at sinabihang malalagpasan din niya ang mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan at lilipas din ito.

Mismong ang partner ni Ion na si Vice Ganda ang nagkuwento tungkol dito sa episode ng It’s Showtime kung saan nagsimula ang hunk model bilang usher sa mga segment ng programa.

“Eto, para sa kaalaman ng lahat, si Ion po ay minsan nang nag-resign dito sa Showtime dahil sa sobrang bashing na inaabot niya.

“Hindi niya kaya. Umiiyak siya lagi sa nanay niya. Sabi niya, magtitinda na lang daw siya ulit ng kakanin sa Tarlac.

“Kaya na niya naman daw. Magbabantay na lang daw siya sa palengke,” lahad ni Vice.

Pagpapatuloy ng TV host-comedian, “Kinausap lang siya ni Direk Bobet at ngayon nandito siya. Pinagalitan siya ni Direk Bobet (Vidanes) para hindi siya huminto sa ginagawa niya.”

“Nay, eto, o, yung kasama mong nagtitinda ng kakanin, may award na,” chika pa ni Vice.

Na-open ang tungkol sa pagre-resign ni Ion nang manalong Breakthrough Artist sa isang online poll at maging emosyonal sa natanggap na pagkilala, “Hindi ko po lubos-maisip na mabibigyan ako ng ganito.” 

Ngunit hindi nakapunta  sa awards night ang binata dahil nahihiya raw. Sey ni Vice, “Lagi siyang nahihiya. Walang kabilib-bilib sa sarili niya.” 

Dagdag pa niya, “Alam mo simple lang ang ginagawa mo, Ion, pero ang dami mong napapanginti every day.”

Sa huli, binati ni Vice ang kanyang boyfriend sa tinanggap na award, “Congratulations. I’m very proud of you and I love you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending