Sigaw ng mga adik sa ‘The Gift’ ni Alden: Nakakabitin! | Bandera

Sigaw ng mga adik sa ‘The Gift’ ni Alden: Nakakabitin!

Cristy Fermin - November 14, 2019 - 12:05 AM

ALDEN RICHARDS

KAINIS! ‘Yun ang naging reaksiyon ng mga tumututok sa seryeng The Gift na pinagbibidahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Ang dami-dami naming tinanggap na text at tawag nu’ng Martes nang gabi dahil nabitin sila sa dapat sana’y pagkakaroon na ng tulay para kina Alden at Jean Garcia bilang mag-ina.

“Sayang! Kung nahawakan lang sana ni Sep ang mga kamay ni Nadia, sana, e, nagkaroon ng kakaibang kutob ang anak na ‘yun na ang tunay niyang ina!

“Kaso, e, iba ang nangyari, sinampal siya ni Jean, kaya ayun, hindi niya man lang nahawakan ang kamay ng tunay niyang mommy!” sabi ng kaibigan naming si Liza na talagang tutok na tutok sa serye.

Pero maganda ang huling eksena bago nagtapos ang episode, magkakaroon siguro ng pangitain si Sep nang sumugod si Jean sa kanilang bahay, ‘yun ang ipalalabas ngayong gabi sa The Gift.

Ang nakatutuwa ay hindi naman mga fans ni Alden ang mga nagkukuwentuhan tungkol sa serye, basta nagustuhan lang nila ang daloy ng kuwento, dahil tungkol sa ekstensiyon ng pagmamahal na puwedeng ibigay ng isang tao sa kanyang kapwa kahit hindi sila magkadugo ang ikot ng istorya.

At magaling na talagang aktor si Alden, naidedeliber niya ang pag-arte ng isang bulag na hinihingi sa kuwento, napakaguwapong bulag sabi nga ng mga nakakausap namin.

Masabi na kaya ngayong gabi nina Elizabeth Oropesa at Jo Berry ang tunay na kuneksiyon nina Sep at Nadia sa isa’t isa?

Ay, abangan!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending