Neocolours tagumpay sa I Can See Your Voice; certified 'see-nger' nanalo ng P25K | Bandera

Neocolours tagumpay sa I Can See Your Voice; certified ‘see-nger’ nanalo ng P25K

Ervin Santiago |November 12,2019
facebook
share this

Neocolours tagumpay sa I Can See Your Voice; certified ‘see-nger’ nanalo ng P25K

Ervin Santiago - November 12, 2019 - 12:12 AM

NAGPASABOG na naman ng katatawanan at good vibes ang favorite tambayan n’yo tuwing Saturday night, ang I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano.
Sumabak sa hamon ng ICSYV ang OPM iconic group na Neocolours na pinangungunahan ng vocalist nitong si Ito Rapadas na talaga namang wala pa ring kupas ang boses.
Sa episode last Saturday, wagi ang Neocolours sa panghuhula kung sinu-sino sa bagong batch ng contestants ang mga seen-tunado at see-nger.
Yes, winner ang huling contestant na napili nila sa labanan, ang teacher na si “HRM the one that you love” o Kenneth Deuna sa tunay na buhay. Certified see-nger si Kenneth kaya siya ang nakapag-uwi ng P25,000.
Tumanggap naman ng I Can See Your Voice trophy ang Neocolours bilang premyo sa kanilang galing sa pagpili ng tunay na see-nger. Na-touch naman ang audience at televiewers sa kuwento ng buhay ni Kenneth na hindi napigilang maiyak nang hiranging ICSYV winner.
Pero siyempre, hindi kumpleto ang ICSYV kung wala ang nakakalokang okrayan at laglagan ng mga Sing-vestigators na sina Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Bayani Agbayani, Andrew E at Kean Cipriano.
As usual, muntik na namang magkapikunan ang mga ayaw paawat na sing-vestigators sa kani-kanilang mga paandar. Hagalpakan ang audience nang magtalo sina Alex at Kean kung seen-tunado o tunay na see-nger ang isang contestant. Hirit nga ni Luis, “Si Alex kung makatanggol akala mo boyfriend niya!”
But it turned out, tama ang ipinaglalaban ni Alex dahil certified see-nger ang guy at kaboses pa nito si April Boy Regino.
Napapanood pa rin ang I Can See Your Voice tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN. In fairness, nasa Top 15 pa rin ang ICSYV sa most watched TV programs sa buong bansa.
q q q

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending