Ken Chan kay Rita Daniela: Pareho kami ng ugali, wala siyang arte sa katawan
WISH ng fans, sana raw ay maging magdyowa na sa tunay na buhay ang Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela.
In fairness, talagang wagi sa ra-tings game gabi-gabi ang primetime series nila sa GMA na One Of The Baes, bukod pa sa palaging trending ang bawat episode nito, lalo na ang mga pakilig nilang eksena at ang mga paandar ni Roderick Paulate bilang Paps.
Puro pampa-good vibes lang kasi ang hatid ng OOTB sa manonood kaya patuloy pang tumataas ang ra-ting nito. Feel na feel din ng viewers ang napakatinding chemistry ng RitKen kaya ang wish nila sana raw ay maging totohanan na ang kanilang relasyon dahil bagay na bagay sila.
Inamin naman nina Ken at Rita na talagang espesyal ang kanilang relasyon ngayon pero wala pa ito sa level tulad ng iniisip ng kanilang supporters. Sa ngayon, gusto lang nilang pagbutihin ang kanilang trabaho at magpasaya ng mga tao.
“We’ve really become very close since we did My Special Tatay kung saan nakilala ‘yung BoBrey tandem namin as Boyet and Aubrey.
“Tapos ngayon naman dito sa One Of The Baes, ang saya lang kasi napi-feel namin yung pagmamahal ng mga tao,” lahad ni Ken sa ginanap na mediacon ng Beautederm kung saan ipinakilala siya at iba pang Kapuso stars bilang mga bagong celebrity ambassadors.
Ano’ng mga qualities ang nagustuhan niya kay Rita? “Halos pareho kasi kami ng ugali at madali rin siyang pakisamahan. Walang kaarte-arte sa katawan kaya masarap siyang kasama.
“Napakagaling ding umarte at siya ‘yung tipo ng artista na walang reklamo kahit anong ipagawa ng direktor sa kanya, like sa One of the Baes as Jowa, game na game siya lagi sa new challanges.
“She doesn’t mind making fun of herself with Kuya Dick (Roderick) and we also can see kung paano siya pahirapan ni Joyce Ching at ni Ms. Melanie Marquez sa mga eksena nila, but she has no complaints at all.
Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng nanonood, ang gusto lang talaga namin ay makapagpasaya ng tao bago sila matulog sa gabi,” kuwento pa ni Ken.
Samantala, speaking of chemistry at pampa-good vibes, yan din ang dahilan kung bakit napili ang RitKen bilang mga bagong ambassador ng Beautéderm Corporation kasama ang iba pang GMA Artist Center talents including Camille Prats, Pauline Mendoza and Sanya Lopez.
Sa nakalipas na 10 taon, nasa forefront ang Beautéderm ng beauty and wellness industry dito sa bansa bilang isa sa mga pinaka-solid at pinaka-pinagkakatiwalaang lider nito.
Nuong 2009 itinatag ni Rhea Anicoche-Tan, Presidente at CEO ng Beautéderm ang kumpanya sa kanyang pagnanais na i-beautéfy ang bansa “one person at a time” sa pamamagitan ng mga line of products na nagpapamalas ng pinaka-mataas na kalidad na nagbibigay ng pinakamabilis, pinakaepektibo, at pinaka-sustainable na resulta.
Bukod sa kanilang galing sa pag-arte, maituturing ding mga palabang influencer sina
Camille (ng daily magazine talk show na Mars Pa More), Pauline (isa sa mga fastest rising young actresses ng GMA), at Sanya (isang top at strong online influencer sa digital world).
“My Beautéderm babies are increasing at masaya at proud akong i-welcome ang aking GMA Artist Center brand ambassadors sa aming lumalaking pamilya,” sabi ni Rhea sa ginanap na media launch kasabay ng kanyang announcement na bibigyan niya ang mga ito ng sariling “kabuhayan showcase” na talagang ikina-shock ng limang Kapuso stars.
“Sina Camille, Ken, Pauline, Rita at Sanya ay lima sa pinakamahuhusay na artists na aking nakilala and I am at awe with what they have accomplished in their individual careers. Blessed ang Beautéderm to have them onboard.”
Sa ngayon, may mahigit isang libong resellers at distributors na ang Beautéderm sa Pilipinas at sa ibang bansa. May physical stores din sila sa iba’t ibang panig ng bansa at may isa pa sa Singapore. Nasa 40 na rin ang kanilang brand ambassadors.
Para sa karagdagang balita at cool updates about Camille, Ken, Pauline, Rita at Sanya at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at i-like rin ito sa Facebook.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.