Sagot ni Quiboloy kay Vice: Baka pati network mo stop na yan

By Ervin Santiago November 08,2019
share this

Sagot ni Quiboloy kay Vice: Baka pati network mo stop na yan

By Ervin Santiago November 08,2019
share this

KUMASA sa hamon ni Vice Ganda ang pastor na si Apollo Quiboloy.

Sa isang viral video, mapapanood ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name na nagsasalita tungkol sa naging challenge sa kanya ng Unkabogable Star sa isang episode ng It’s Showtime.

Ayon kay Vice, “Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ‘Ang Probinsyano.’ Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh.

“Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon,” aniya pa.

Sagot naman ng pastor, baka raw hindi lang ang primetime series ni Coco Martin ang mapahinto niya kundi ang buong ABS-CBN.

“Lindol lang ung pina stop ko eh dumating pa yung challenge na ipa stop ko daw yung probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa stop ang Probinsyano?

“Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma stop?Isang buwan? dalawang buwan? tatlong buwan? apat na buwan? Ikaw, pili ka. Baka sa apat na buwan di lang yung Probinsyano ang ma stop, baka pati yung network mo stop na yan,” mariing pahayag ni Quiboloy.

Ang tinutukoy niya ay ang isyu sa renewal ng franchise ng Kapamilya Network na mag-e-expire sa March 30, 2020. Ang paniniwala ng marami ay nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ng network.

Hirit pa ng pastor sa challenge ni Vice, “Sinabi mo pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nakahinto na.

“Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, pabilisan ang traffic flow, eh paano ko pahintuin eh nakahinto na nga eh. Naging parking lot na nga ang EDSA eh, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na,” pahayag pa ni Quiboloy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending