Malditang young actress tinawag na ‘babae sa dilim’

By Cristy Fermin November 09,2019
share this

Malditang young actress tinawag na ‘babae sa dilim’

By Cristy Fermin November 09,2019
share this

KONTRANG-KONTRA pala ang pamilya ng isang guwapong male personality sa kanyang girlfriend na young actress.

Sayang, maganda pa naman ang girl pero may kakaiba pala siyang ugali, kaya ayaw sa kanya ng mga paryentes ng lalaking personalidad.

Matagal nang kalat ang kuwento tungkol sa kamalditahan ng young actress, isa siya sa mga tinatawag na “Simang”, dahil matindi ang kanyang sumpong.

Kuwento ng isang source, “Unang-una, e, hindi naman kasi nila inaamin nu’ng young actor na magkarelasyon sila dahil meron siyang ka-loveteam na young actor din!

“Isa siyang babae sa dilim, karelasyon nga siya ng male personality, pero hindi naman siya mailantad, kasi nga, iba ang inili-link na guy sa kanya!

“Wala siyang magagawa kung ma-link man sa iba ang boyfriend niya, kasi, hindi naman siya open sa relasyon nila!” unang chika ng aming source.

Bukod sa pagiging selosa ay meron ngang kakaibang ugali ang maganda pa naman sanang young actress na ito. Mahirap ispilengin ang kanyang ugali, mas madalas na hindi maganda ang kanyang mood, kaya naiilang ang kanyang mga katrabaho sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Hindi puwede sa showbiz ang basta maganda lang at marunong umarte!

Napakalaking bagay para sa mga artista ang husay sa pakikisama!

“Kung minsan nga, e, pangalawa na lang ang talent, mas nauuna ang attitude, di ba? Napag-aaralan ang acting, pero ang ugali, kung ano ka, ‘yun na ‘yun! Siya ang kailangang mag-adjust, hindi ang mga nakakatrabaho niya!

“Tama bang pagdating niya sa set, kapag wala siya sa mood, e, wala siyang kinakausap kundi ang alalay lang niya? Wala siyang pakialam sa ibang tao!

“Nakakaloka ang tantrums ng babaeng ‘yun, sinasarili niya ang mundo, kaya nababawasan ang ganda niya para sa mga nakakaalam ng tunay niyang ugali!

“Paano siya magugustuhan ng family ng boyfriend niya kung ganu’n ang ugali niya? Walang magkakagusto sa kanya! Sayang, beautiful pa naman siya!

“Isa lang ang sigaw ng mga nagmamahal sa guwapong young actor, umali, este, umalis na lang siya sa buhay ng young actor na bukod sa mabait na, e, sobrang pasensiyoso pa!” pagtatapos ng aming impormante.

Ay, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang hitaders na babaeng ito, panalo na naman kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending