Sarah, Matteo kinakausap na ang mga magiging ninang, ninong, abay sa kasal

By Cristy Fermin November 09,2019
share this

Sarah, Matteo kinakausap na ang mga magiging ninang, ninong, abay sa kasal

By Cristy Fermin November 09,2019
share this

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

Lumabas din ang totoo. Ilang beses na naming isinusulat na may plano nang magpakasal sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo pero parang hindi nila pinapansin ang kuwento.

Ilang impormante na ang nakapagbulong sa amin na sa kasalan na mauuwi ang anim na taong relasyon nina Matteo at Sarah, may mga kinakausap na kasi silang mga taong malapit sa kanilang mga pamilya para maging ninong at ninang nila sa kasal, hindi puwedeng maitago ang ganu’ng istorya.

Ngayong naglabas na ng pahimakas si Matteo na engaged na sila ng magaling na singer-actress kasabay ng pagpapakita ng ibinigay nitong engagement ring sa kanyang girlfriend ay natural lang na magbunyi ang kanilang mga tagasuporta.

Panahon na talaga para premyuhan ni Sarah ang kanyang sarili, dekada nang nagtatrabaho ang Popstar na ang nakasangkalan ay ang pagganda ng buhay ng kanyang pamilya, nararapat lang namang asikasuhin naman ng dalaga ang kanyang personal na kaligayahan.

Hindi na bumabata si Sarah Geronimo, kailangang humabol siya sa biyahe para makapagbuo sila ng masayang pamilya ni Matteo, sa loob nang anim na taon nilang relasyon ay walang kahit anong alingasngas na napabalita tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Maligayang bati sa mga ikakasal!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending