Magkakapatid sa showbiz halos ikulong ng sariling ina

By Cristy Fermin November 07,2019
share this

Magkakapatid sa showbiz halos ikulong ng sariling ina

By Cristy Fermin November 07,2019
share this


MGA dating kapitbahay ng isang kilalang pamilyang showbiz ang minsang magkakaumpukan. Ang kanilang paksa, ang hindi kagandahang paglaki ng magkakapatid.

Masyado pala silang pinroteksiyunan ng kanilang ina, hindi sila nakalalabas ng bahay, eskuwelahan-house lang ang araw-araw nilang rutina sa buhay.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “They were deprived of their youth, kaya sila nagkakaganyan.

Pinaghigpitan kasi sila nu’ng mga bata pa sila, hindi nila na-enjoy ang pagiging kabataan nila.

“Hindi sila pinalalabas ng bahay, bawal, hanggang sa bakuran lang nila nakakaikot ang magkakapatid, lalo na ang mga girls sa family.

“Sobrang istrikto ng mother nila, hindi sila puwedeng maglaro sa park ng subdivision kung saan sila nakatira, masyado silang na-deprive, kaya naman nakikita natin ngayon ang naging resulta nu’ng paghihigpit na ‘yun!” umpisang chika ng impormante.

Puwedeng eksaherado pero puwede rin namang may katotohanan, pero ang dahilan pala ng kanilang ina ay magaganda sila, hindi sila puwedeng humalo sa ibang kabataan.

Patuloy ng source, “May santacruzan sa subdivision nila, very active ang mga homeowners, may ginaganap na santacruzan du’n every May.

“Siyempre, ang mga nagrereyna-reynahan, ang mga anak-anak din ng mga homeowners. So, kapag nag-iikot na ang mga officers at kinakausap ang mga homeowners, ‘yung bahay lang ng controversial family na ‘yun ang hindi nagbubukas para sa kanila.

“Zero participation ang buong pamilya. Magaganda at guwapo silang magkakapatid, pero walang kahit isa sa kanila na sumasali sa mga activities ng subdivision.

“Ayaw nga kasi ng mother nila, magaganda raw sila, hindi sila puwedeng sumali-sali sa mga ganu’ng activities sa subdivision nila.

“School-bahay lang sila at kung lumalabas man, e, kasama nila ang parents nila. Sobra silang pinaghigpitan, kaya naman nu’ng makawala na sila sa sobrang kahigpitan ng mommy nila, ano ang nangyari?

“Ayan, hindi na niya kayang rendahan ang mga anak niya, sila-sila ang nag-aaway-away na para silang hindi magkakapatid!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang karagdagang clue, bigay na bigay na kung sinu-sino sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending