Indie actress na anak ni Angel Aquino pumatol din sa tomboy | Bandera

Indie actress na anak ni Angel Aquino pumatol din sa tomboy

Julie Bonifacio |November 07,2019
facebook
share this

Indie actress na anak ni Angel Aquino pumatol din sa tomboy

Julie Bonifacio - November 07, 2019 - 12:05 AM


MASARAP kausap ang bagong indie star na si Iana Bernardez, anak ni Angel Aquino.

We had an exclusive interview with her recently, at ang dami niyang pinakawalan na rebelasyon.

Kasama sa cast ng “Metamorphosis” si Iana na isa sa walong competing entries sa 15th Cinema One Originals Film Festival na magaganap simula sa Nov. 7 hanggang 17.

Ang gala night ay magaganap sa Ayala Mall Manila Bay on Nov. 7 kung saan ang opening film ay ang “The Lighthouse” na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Robert Pattinson.

“Yung movie namin sa Cinema One Originals na ‘Metamorphosis’ is directed by J.E. Tiglao. It stars Gold Aceron and he is an intersex, or what is commonly known as hermaphroditus.

“So, ‘yung type niya ng intersex is meron siyang both reproductive organs ng male and female. So, pinalaki siyang lalaki kasi siguro nu’ng bata siya mukha naman siyang lalaki but then, nu’ng adolescent stage, nagkaroon siya ng period. Niregla siya,” kwento ni Iana.

Nangyayari talaga ‘yun sa totoong buhay. Ang role naman ni Iana ay 24-year-old prosti na ang pangalan ay Angel. Ang goal daw ng movie ay iparating sa mga tao na bigyan mo ng choice ang intersex and make him decide. May kissing scene din siya sa movie with Gold.

Unlike ‘yung mga kissing scenes niya sa first major film niya na “Gusto Kita With All My Hypothalamus,” easy lang daw ang kissing scene niya with Gold.

Kinabahan daw siya sa kissing scene niya with Soliman Cruz sa “Hypo” at marami rin ang nagulat nu’ng bakit pumayag si Iana sa mga eksena niya sa movie.

“Unahin natin ‘yung reaction ng Daddy (Ian Bernardez) ko. Hindi siya nakatingin. Sabi niya, ‘Gusto kong upakan.’ Siyempre tatay, e. Hindi lang si Sir Soliman. Even the other men sa movie na may love scene kami. Sabi niya, ‘Oh, hindi ko kayang tingnan,’ ganyan.”

Alam din ng tatay niya na may kissing scene siya sa “Meta,” “Sabi niya, ‘Ano, matanda na naman?’ Sabi ko, ‘Hindi, bata naman.’ Ha-hahaha. ‘Bata naman. Pero may eksena rin na wala akong bra. Pero nakadamit.’

“Sabi niya, ‘Bakit?! Bakit wala kang bra? Nakadamit ka naman. E, ‘di sana pinagdamit ka na lang?’ Sabi ko, ‘Para hindi mabasa ‘yung bra, ganyan.’ Matagal matuyo, e. Ayun, sabi niya, ‘Sige, sige. Alam naman natin na work is work. Professional. Okey,” lahad pa niya.

May kani-kanyang partners in life na ang Daddy Ian at Mommy Angel ni Iana. Dalawa lang silang anak ni Angel sa daddy ni Iana.

Okey lang sa kanya na babae rin ang partner ng mommy niya ngayon, “I grew up naman na she would have relationships that would work, that wouldn’t work. And, what stays naman is that I have a good relationship with my Mom. Kasi, we’re best friends. No issue (girl ang partner ni Angel), ‘coz we’re open naman sa family.”

Inamin din ni Iana sa amin na nagkaroon din siya ng girlfriend dati, “It was easy. I didn’t have to hide her. I didn’t have to. My Mom treated her like a daughter. Pero wala na kami. But we were almost three years. That was after college.”

Schoolmates daw sila ng ex-GF niya at naging sila for three years. Pero naghiwalay din dahil sa trabaho niya sa production that it took so much of her time.

But now, she’s open kung ano’ng gender ang dumating at ma-in-love siya. Ang importante, mabait na tao, mabait sa kanya at sa pamilya niya.

q q q

Kagabi ginanap ang biggest solo concert ng Hugot King na si Kiel Alo, ang “Ako Naman” sa Music Museum.

“Palagi na lang sila, Ako naman! Ako naman,” sigaw ni Kiel. Hinog na hinog na si Kiel for a major concert kasi ang dami na niyang ginawang shows in the past.

“Ito na ang pinakakinabahan kong show. Dami kong inaral na songs at may mga sayaw pa. Hindi pa naman ako dancer pero wala akong choice. Baka talakan ako ni Nanay Jobert (Sucaldito, his manager),” say ni Kiel.

Naging special guests niya sina Janno Gibbs, Morissette Amon with Jun Polistico, Aira Bermudez and Eva Eugenio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Musical director si Butch Miraflor and presented by Aficionado, Mang Inasal, Club Mankind, Club Adonis, Karaoke Republic, Megasoft’s Fasclean, BeauteDerm at Xentro Malls.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending