Aktor mas maarte pa sa GF, isang maleta ang pangpa-beauty | Bandera

Aktor mas maarte pa sa GF, isang maleta ang pangpa-beauty

Cristy Fermin |November 06,2019
facebook
share this

Aktor mas maarte pa sa GF, isang maleta ang pangpa-beauty

Cristy Fermin - November 06, 2019 - 12:45 AM

MINSAN pang nagpalutang ng kaartehan ang isang male personality na ang pakiramdam yata ay siya na ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa.

Kalalaking tao, sabi nga ng mga miron, ay daig pa niya ang mga kasamahan niyang babae sa location.

Talagang pagdating sa kanyang hygiene ay matindi ang pag-aalaga ng male personality na ito.

Kuwento ng isang source, “Di ba, kumpleto siya ng mga kagamitan para sa katawan niya? Mas marami pa nga siyang bagahe kesa sa mga katrabaho niyang artistang babae, di ba?

“Para siyang extension ng isang shop na pinagbibilhan ng iba-ibang stuff para sa katawan. Body wash, mga pamahid sa face, mga pang-scrub na may iba-iba palang gamit sa body?

“Isang maleta ang ganu’n niya, kinakabog niya kahit ang mga female stars. Talagang hindi siya nagpupunta sa kahit saan nang wala ang malaking maleta niya na ang mga laman, e, para lang sa pag-aalaga ng katawan niya,” chika ng aming impormante.

Kahit pala sa kanyang mga pagkain ay meron ding sinusunod na diet ang male personality. Hindi siya kumakain ng karne hanggang maaari, puro gulay lang at prutas, kaya naman makinis ang kanyang kutis.

Patuloy ng aming source, “Naku, sa set, e, meron siyang sariling food, hindi niya kinakain ang pagkain ng production, talagang nagdadala siya ng sarili niyang pagkain.

“Choice niya ‘yun dahil may sinusunod siyang diet. Hindi siya kumakain ng meat, puro vegetables lang, saka mga prutas. Very vain talaga siya, mahirap siyang intindihin, pero ‘yun na kasi ang nakasanayan niya!

“Kahit sa paligid, maselan siya, kapag medyo hindi kagandahan ang pinagsusyutingan nila, e, meron siyang dala-dalang pang-spray.

“Umiiwas lang daw naman siya sa dengue, mahirap na raw, baka du’n pa niya makuha ang sakit na napakarami nang nabibiktima ngayon.

“Mismo! Siguradong mas vain pa siya kesa sa girlfriend niya, sa totoo lang! Kasi, hindi naman ganyan ka-vain ang GF niya, e!

“Nakakaloka ang male personality na ito, pero ‘yun siya, e! Alagang-alaga niya talaga ang katawan niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung ayaw n’yo sa kanya, e, lagyan n’yo na lang ng X ang name niya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sino siya, kaya gets n’yo na ‘yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending