Janine bagong ‘bayani’ ng mga kababaihan: Laban lang! | Bandera

Janine bagong ‘bayani’ ng mga kababaihan: Laban lang!

Bandera - November 06, 2019 - 12:25 AM

Janine Gutierrez kasama ang mga taong nasa likod ng ‘Babae At Baril’

SIGURADONG masusundan pa ang award-winning suspense-drama movie ni Janine Gutierrez na “Babae At Baril” matapos itong umani ng papuri sa mga manonood.

Ang “Babae At Baril” ang isa sa mga pinag-usapang entry sa katatapos lang na 2019 QCinema International Film Festival awards night na ginanap sa Novotel Araneta City sa Quezon City.

A co-production between Cignal Entertainment and EpicMedia, the movie took home top honors including Best Director for Rae Red and Best Actress for Janine.

Ito rin ang nakakuha ng Gender Sensitivity Award dahil sa pagsusulong ng pelikula sa women empowerment.

This year’s QCinema filmfest has showcased over 70 films, including new films making their world premieres and titles that have gathered international acclaim.

Ang “Babae At Baril” ay isa sa tatlong Filipino films na nakasali sa main competition ng festival, ang “Asian Next Wave”.

Ang kuwento ng pelikula ay umiikot sa buhay ng saleslady sa isang local department store – partikular sa kanyang hirap at sakripisyo sa pagtatrabaho, idagdag pa ang palaging pamamahiya ng kanyang boss at ang panghaharas sa kanya ng mga customer.

Ipinakita rin sa pelikula kung paano siya bastusin ng mga tambay at lasing sa kanilang lugar at ang pananakot ng may-ari ng nirerentahan niyang kwarto kapag hindi siya nakakabayad ng upa.

Pero biglang mababago ang takbo ng kanyang buhay nang makapulot siya ng baril sa basurahan. Ito ang gagamitin niya para lumaban sa lahat ng mambabastos at mang-aabuso sa kanya.

Sabi nga sa isang review, ang “Babae At Baril”, “Brimming with relevant and radical insight. It doesn’t just take exquisite skill to make a film like Babae at Baril. It takes courage.”

“Our recent win at the QCinema International Film Festival has inspired us to produce more content that will not only reflect the realities of Filipino life and our culture but also strive to create works of lasting social significance,” ayon naman kay Cignal TV President and CEO Jane Basas.

Cignal Entertainment is the original content division of Cignal TV, the country’s leading Pay TV provider. Cignal Entertainment aims to develop high-quality Filipino content for its various in-house channels and platforms, and for the global audience.

Epicmedia, on the other hand, is an award-winning independent production company that has produced local box office hits and championed films in Berlinale, Venice, Toronto, Busan and Tokyo.

Samantala, sa panayam naman kay Janine matapos tanghaling best actress, sana raw ay makagawa pa siya ng mas marami pang pelikula na tulad ng “Babae At Baril” kung saan mas matsa-challenge ang kanyang pagiging aktres.

“Para sa lahat ng babaeng lumaban at patuloy na lumalaban, thank you po,” bahagi ng thank you speech ni Janine sa awards night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m happy! Tinext ko agad ‘yung mommy ko, kasi siya talaga ‘yung pinapakitaan ko ng mga scripts, ganyan, so I’m so happy lang. Iba talaga ‘yung kuwento eh, parang ipapakita niya sa ‘yo ‘yung katotohanan na nangyayari dito sa Pilipinas na baka hindi nakikita ng ibang tao,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending