Xander Ford kinawawa ng bashers matapos sumali sa FB contest | Bandera

Xander Ford kinawawa ng bashers matapos sumali sa FB contest

Alex Brosas |November 04,2019
facebook
share this

Xander Ford kinawawa ng bashers matapos sumali sa FB contest

Alex Brosas - November 04, 2019 - 12:25 AM

XANDER FORD

NA-BASH nang husto si Xander Ford nang sumali siya sa pakontes ng Revival King singer na si Jojo Mendrez.

Magbibigay ng P25,000 si Jojo sa best version ng kanyang kantang “Sana” at isa sa mga sumali ang controversial na si Xander.

“32ND VIDEO. MADAMING VIEWS. SYA NGA PO SI XANDER FORD. Madami nangbash sa kanya sa video na ito kaya NALUNGKOT AKO. At SANA di dapat ganon dahil hindi natin alam ang buhay na pinagdaraanan nya.

“I know in his heart mabait sya. Sana isang araw makabalik sya at matupad nya ang pangarap nya sa kanyang pamilya. Sya po ang bread winner sa kanila Hindi naman sya talaga kumakanta pero kumanta sya ng SANA at naappreciate ko ang efforrt nya. PLS WATCH, LOVE and SHARE.”

‘Yan ang post ni Jojo sa video ni Xander who was singing “Sana”. Naka-more than 8,366 views na ang nasabing video.

May isa namang nagtanggol kay Xander and said, “Hindi ko alam kung bakit naluha ako habang pinanonood ko ang video nato, ramdam ko kasi ang sinsiridad sa puso ni Marlou S Arizala habang kumakanta.

“Hindi lang dahil sa relatives ko pa ang Arizala sa totoo lang hindi ko kilala c Xander Ford personally pero kamag anak ko pa po ang mga arizala. Kung di mananalo ang #39 ang gusto ko sana ay c Marlou ang manalo.”

Wala na halos tayong naririnig kay Xander after ng away nila ng kanyang ma-nagement. Kung hindi pa siya sumali sa pakontest ni Jojo ay hindi pa namin siya mababalitaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending