Jo Berry pinalakpakan, pinuri bilang nanay ni Alden sa The Gift | Bandera

Jo Berry pinalakpakan, pinuri bilang nanay ni Alden sa The Gift

|October 31,2019
facebook
share this

Jo Berry pinalakpakan, pinuri bilang nanay ni Alden sa The Gift

- October 31, 2019 - 12:30 AM

ALDEN RICHARDS AT JO BERRY

MULING pinuri ng netizens at ng mga Kapuso viewers ang bulinggit na aktres na si Jo Berry dahil sa akting nito sa primetime series na The Gift.

Partikular na tinukoy ng mga manonood ang eksena ni Jo bilang si Strawberry kasama si Amor (Mikee Quintos). Ito ‘yung galit na galit si Straw dahil desidido na si Sep (Alden Richards) na hanapin ang kanyang tunay na magulang.

Natatakot kasi siya na masaktan ang anak-anakan kapag nalaman nito ang katotohanan. Pero kinontra nga siya ni Amor na nagsabing baka naman maganda ang naghihintay na kapalaran ni Sep kapag nakilala na niya ang ama’t ina.

In fairness, talagang nahasa na nang todo si Jo Berry sa pagdadrama. Gamay na gamay na niya ang pagganap bilang nanay. Ina rin kasi ang role niya sa unang serye niya sa GMA, ang Onanay.

Samantala, puring-puri naman ni Jo si Alden dahil sa kabila ng tagumpay at kasikatan nito ngayon ay nananatili pa rin itong humble bukod pa sa napaka-professional na katrabaho.

“Masaya siyang katrabaho, super down-to-earth po kasi siya and lagi siyang nag-a-adjust for me,” aniya.

“Siguro dahil ‘yung previous role ko as Onay is mom din, almost the same sila ni Strawberry, parang ganun din ‘yung na-feel ko. Hindi naman po ganu’n kahirap ‘yung role kasi ang galing din ng mga nakakaeksena ko, they help me din.

“Nakakatulong din na sa story ng The Gift, meron akong mom na si Lola Char (Elizabeth Oropesa) tapos ako as Strawberry, ‘yung anak ko si Sep, so kung ano ‘yung napi-feel ko from my mom ‘yun din ang ginagawa ko,” aniya pa.

Napapanood pa rin ang The Gift gabi-gabi sa GMA Telebabad after Beautiful Justice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending