Darna ang unang crush ni Luis: Gumawa ng paraan si mommy para makita ko siya
SI Nanette Medved pala ang childhood crush ni Luis Manzano. Hinding-hindi raw malilimutan ng TV host-comedian ang unang pagkikita nila ng dating aktres na nakilala rin noon bilang Darna.
“I was young. I could be wrong but I think I was about 10 years old nu’ng time na yun. It was somewhere in Batangas. Baka nga Puerto Azul pa yung resort and I think it was my mom that found a way for us to meet kasi nu’ng time na yun sobra ang crush ko kay Ms. Nannette.
“Sabi nga niya when she was doing Darna, may nagsabi sa kanya, I think my mom did it, ‘O my son wants to meet you’ so akala niya teenager. Biglang may tumatakbo papunta sa kanya na small kid so ako yun. So it was quite an experience para sa isang bata na makita ang kanyang crush dati, na si Darna pa,” kuwento pa ni Luis sa panayam ng ABS-CBN.
Samantala, si Luis at Vhong Navarro ang magiging host ng bagong reality talent search ng ABS-CBN na Your Moment mula sa pinagsanib na pwersa ng ABS-CBN at Fritz Productions ng Netherlands.
Tampok dito ang samu’t saring dancing at singing acts mula sa loob at labas ng bansa at magtatanghal ng dalawang grand champion sa dalawang talent category sa finals.
Magsisimula na sa Nob. 9 ang Your Moment kasama ang judges na sina Billy Crawford, Nadine Lustre at Boy Abunda na gagamit ng “emotion meter knob” para bigyan ng score ang bawat performance.
Kulay at excitement ang hatid ng programa sa bawat weekend dahil sa makabago at enggrandeng set nito kung saan masasaksihan ng audience at judges ang lahat ng performances sa salit-salitang pag-ikot nito sa magkahiwalay na dancing stage at singing stage.
Magsisimula sa black and white ang bawat performance ngunit habang tumatakbo ito ay unti-unting magkakakulay at magkakailaw ang stage, samantalang tatlong beses namang kailangang magbigay ng score ang judges gamit ang ’emotion meter knob’ mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10.
Lalabas din sa screen ang “emotion meter” na ipapakita ang scores ng judges sa tuwing papatak sa tatlong ‘time markers’ (20 segundo, 60 segundo, at 90 segundo) ang performance.
Apat na levels ang kailangang pagdadaanan ng acts sa kumpetisyon bago tanghaling grand champion: ang “Your First Moment,” “Your Moment of Choice,” “Your Moment of Power,” at “Your Grand Moment.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.