Pokwang inuulan ng swerte: May 2019 MMFF entry na, meron pang itatayong resto at bagong endorsement
FEELING blessed pa rin talaga ang Kapamilya comedienne na si Pokwang. Bukod sa regular show niya sa ABS-CBN, meron pa siyang entry sa 2019 Metro Manila Film Festival at may bago rin siyang endorsement.
At bukod diyan, malapit na ring matupad ng tinaguriang Pambansang Mamang ang pa-ngarap niyang magkaroon ng sariiling restaurant.
Sa nakaraang media launch ng bago niyang endorsement, ang Regasco LPG, naikuwento ni Pokey ang tungkol sa itatayo niyang resto, “Sa Antipolo kami muna. As much as possible ‘yung may parking (space). Bibilhin ko pa lang (lupa). Nagne-negotiate na kami.”
Ano ang ipapangalan niya sa kanyang itatayong business? “I think ang ipapangalan ko ay Cooking Ng Ina Ko kasi cooking machine ako, e! Ha-hahaha! Hindi joke lang, ang ipapangalan ko ay Kusina Ni Mamang At Papang. Ganya, very Filipino.”
Iniaalay ni Pokwang ang kanyang upcoming business sa lahat ng OFWs, “Kasi marami rin akong followers abroad ‘yung mga OFW siyempre alam natin na na mi-miss nila ang pagkaing Pinoy. Gusto ko na ‘yung pag-uwi nila sa Pilipinas isa ‘yon sa ilu-look forward nila na pumunta sa place namin.”
Magiging bahagi rin daw ng kanyang resto ang anak na si Ria Mae Subong na kaka-graduate lang ng Culinary Arts sa Enderun Colleges.
Tungkol naman sa filmfest entry niya, muli silang magkakasama ni Bossing Vic Sotto sa pelikulang “Mission Unstapabol:The Don Identity” with Maine Mendoza and Jake Cuenca.
“Masaya ‘to dahil magsasama-sama uli ang mga Kapuso at Kapamilya. Noong nalaman ko nga na ka-join ako napasigaw talaga ako! After nine years, magkakasama kami ulit,” sey ni Pokwang.
Unang nagkasama sina Pokey at Bossing noong 2011 sa pelikulang “Pak! Pak! My Dr. Kwak.”
Samantala, very thankful naman si Pokwang sa pagkakapili sa kanya para maging celebrity endorser ng Regasco LPG, swak na swak nga raw ito sa kanya dahil lagi siyang laman ng kusina para magluto.
Perfect naman ang description ng owner ng Regasco LPG na si Leslie Yiu bilang ambassador ng kanilang produkto, “Kaya po namin kinuha si Ms. Pokwang kasi nakita namin yung values niya, and the way she presents herself. At yung devotion niya sa pagluluto her loves for cooking is a big factor kaya sya ang pinili namin to be the face of Regasco brand plus being a doting Mom to her two daughters (Mae and Malia) and loving partner na si Lee O’Brian.
“With her love for her newest endorsement, Pokwang was very cooperative and easy to work with during the series of shoots for the campaign, not to mention her being punctual on the set.
“Because of her professionalism, good working attitude and relationships with our company and for sure, a huge contribution niya to the future sales of Regasco there’s no doubt for a possible renewal of the contract sa aming kumpanya,” paliwanag pa ni Leslie Yiu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.