Vice Ganda nalason: 'Napa-help me Lord' sa tindi ng sakit ng tiyan | Bandera

Vice Ganda nalason: ‘Napa-help me Lord’ sa tindi ng sakit ng tiyan

Ervin Santiago - October 24, 2019 - 07:41 PM

VICE GANDA

NALASON ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kaya absent siya sa It’s Showtime kahapon.

Balitang dumanas ng matinding pananakit ng tiyan ang TV host-comedian dahil sa food poisoning.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Vice ng mensahe na ikinabahala ng kanyang social media followers. Dito kinumpirma nga niya na nalason siya sa kanyang kinain.

Tweet ni Vice, “Food poisoned. Severe stomach ache. Help me good Lord!”

Ilang sandali lang ay bumuhos agad “get well soon” at “pagaling ka meme” messages para kay Vice. May ilan pa ngang nagsabi na mag-ingat na siya sa mga kinakain niya dahil madali nang masira ang kanyang tiyan.

Ito nga ang dahilan kung bakit hindi nakapag-report sa Showtime kahapon ang Phenomenal Box-Office Star.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, hindi pa nagbibigay ng detalye si Vice kung ano ang nakain niya na naging dahilan ng kanyang pagkalason.

Pero kanina, napanood na uli ang gay icon sa noontime show ng ABS-CBN. Ayon naman sa fans and followers ni Vice dapat daw magpagaling muna nang bonggang-bongga para siguradong nasa kundisyon siya sa “Magpasikat 2019” sa Sabado.

Samantala, nagpasalamat naman si Vice sa lahat ng nag-alala at nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

“Thanks so much! I appreciate it!!!!” tweet ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending