Bimby balak na nga bang karirin ang pag-aartista at pagiging vlogger? | Bandera

Bimby balak na nga bang karirin ang pag-aartista at pagiging vlogger?

|October 21,2019
facebook
share this

Bimby balak na nga bang karirin ang pag-aartista at pagiging vlogger?

- October 21, 2019 - 12:05 AM

KRIS AQUINO, BIMBY AT JOSHUA

MARAMING nagsasabi na pwedeng-pwede nang karirin ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby ang pagiging artista.

Marami ang pumuri at naaliw kay Bimby nang tanggapin nila ng kapatid na si Joshua ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award ni Kris sa nakaraang 33rd PMPC Star Awards for TV.

Nasa ibang bansa kasi ang Social Media Queen para sa kanyang regular check-up kaya ang dalawang anak niya ang tumanggap ng kanyang award.

“Again my heartfelt and warmest THANK YOU PMPC for the Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Thanks kuya josh & bimb!” caption ni Kris sa Instagram photo nina Josh at Bimb na kuha sa nasabing awards night.

Sa panayam kay Bimb, inamin mg bagets na kinabahan siya nang tanggapin ang parangal para sa kanyang mommy lalo na nang basahin na niya ang thank you message ni Kris on stage.

Nang tanungin naman si Bimby kung totoong balak na rin niyang pasukin ang showbiz pati na ang pagiging vlogger o internet personality tulad ng ina, itinanggi niya ito.

“I like business, stocks, investing, advertising… I don’t have social media din kasi po,” esplika ni Bimby.

Pero sure na sure kami na gagawa ng malakas na ingay sa mundo ng showbiz sakaling ituloy ni Bimb ang pag-aartista. Nakagawa na noon ng pelikula ang bagets kabilang na ang “My Little Bossings” kasama sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon at “The Amazing Praybeyt Benjamin” with Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending