Tambalang Bianca-Migo waging-wagi sa 'Wagas' | Bandera

Tambalang Bianca-Migo waging-wagi sa ‘Wagas’

|October 21,2019
facebook
share this

Tambalang Bianca-Migo waging-wagi sa ‘Wagas’

- October 21, 2019 - 12:05 AM

WINNER na winner ang muling pagtatambal nina Migo Adecer at Bianca Umali sa daytime drama series ng GMA na Wagas.

Hindi man sila ang nagkatuluyan sa GMA primetime series na Sahaya, muling nagsama ang tambalang JorSah sa isang special episode ng Wagas produced by GMA Public Affairs.

Binigyang-kulay nina Bianca at Migo ang buhay nina Yummy (Barbie Forteza) at Eugene (Jak Roberto) sa “Wait Lang… Is This Love” sa nakakaaliw nilang pagganap bilang mag-ex na nag-aaway sa palengke!

Tuwang-tuwa ang mga Kapuso viewers sa comeback ng JorSah at talaga namang tinutukan ito ng manonood dahil na-miss nila ang chemistry ng dalawang Kapuso stars. Hirit ng fans, nabitin sila sa mga eksena nina Bianca at Migo sa Wagas.

“Sila talaga inaabangan naming Kapuso tandem today. Ibang klase ang chemistry onscreen,” comment ng isang netizen.

Patuloy na subaybayan ang nakakakilig na kuwento nina Yummy at Eugene sa Wagas mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga sa GMA.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending