‘Sana multuhin ng tatay nila ang Barretto sisters’ | Bandera

‘Sana multuhin ng tatay nila ang Barretto sisters’

Jun Nardo - October 20, 2019 - 12:45 AM

GRETCHEN, MARJORIE AT CLAUDINE BARRETTO

Nadamay na nga ang mga “makapangyarihang” lalaki sa buhay nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto sa away nilang magkakapatid.

Talagang nagbatuhan ng putik sa social media ang mag-sisters habang nakaburol ang kanilang amang si Miguel Barretto. May nag-comment nga na sana’y multuhin ang magkakapatid ng kanilang tatay para matigil na sila sa pag-aaway.

Tuloy, lalo pang nagiging masalimuot ang mga pangyayari. Ano nga kaya ang nararamdaman ngayon ng kanilang inang si Inday Barretto? Nagdadalamhati na nga siya sa pagkamatay ng kanyang asawa heto’t dumagdag pa ang pag-aaway-away ng kanyang mga anak.

Feeling namin, hangga’t walang bumubulagta, hindi sila titigil sa paglalabas ng baho ng isa’t isa at mukhang wala talagang makapipigil sa kanila dahil lahat ay palaban.

Isaalang-alang naman nila ang kani-kanilang mga anak. Mga bata pa ang mga ito pero may hatred na sa puso dahil sa gulo ng kanilang pamilya.

Magiging proud ka ba kapag merong shame and scandal in the family? Magaganda naman sila at may pinag-aralan pero bakit ganito ang kanilang kinahinatnan?

Kung hindi nagbago ang desisyon ng ng pamilya, kahapon ginanap ang cremation ng labi ni Mike Barretto. Sa ngayon, nakaabang na ang lahat sa mga susunod na pasabog nina Gretchen, Marjorie at Claudine, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending