La Oro laging trending sa The Gift: Sikat na si Lola Char | Bandera

La Oro laging trending sa The Gift: Sikat na si Lola Char

Bandera |October 19,2019
facebook
share this

La Oro laging trending sa The Gift: Sikat na si Lola Char

Bandera - October 19, 2019 - 12:25 AM

ELIZABETH OROPESA AT ALDEN RICHARDS

KUNG may Best Lola award lang ang mga award-giving bodies siguradong winner na ang sikat na sikat na ngayong si Lola Char!

Bet na bet kasi ngayon ng mga Kapuso viewers at ng mga netizens ang kwelang character ng award-winning veteran actress na si Elizabeth Oropesa sa GMA primetime series na The Gift.

Isa si Lola Char sa mga inaabangan ng loyal viewers ng Kapuso serye dahil sa nakakaaliw niyang mga eksena at punchlines. Sa katunayan, umaga pa lang ay trending na agad ang hashtag na #TheGiftChar sa dami ng nag-aabang sa kwento ng lola ni Sep na ginagampanan ni Alden Richards.

Hinahangaan ng mga manonood ang positibong karakter ni Elizabeth na mayroon pa lang itinatagong nakakaintrigang nakaraan. Sa mga susunod na episode ng The Gift, ibabandera na ang tunay na buhay ni Lola Char na siguradong ikagugulat ng lahat.

Comment ng isang netizen, “Bilib din ako sa attitude ni Lola Char na kahit may mapait na pinagdaanan ay palabiro pa rin.”

Sabi naman ng isa pang adik sa panonood ng The Gift, “Pampa good vibes si Lola Char. She’s so cool and witty. Gusto ko rin siyang maging lola. LOL! Can’t wait sa back story niya at kung paano niya matutulungan si Sep na mapigilan ang mga masasamang mangyayari.”

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ni Sep, bukod sa mga nakikita niyang pangitain, siguradong kikiligin muli ang manonood sa mga susunod na eksena nila ni Mikee Quintos bilang si Amor.

Patuloy na subaybayan ang mas marami pang happy moments nina Sep, Lola Char at Amor sa The Gift gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending