'NUUK' nina Aga at Alice 1st Pinoy movie na kinunan sa Greenland | Bandera

‘NUUK’ nina Aga at Alice 1st Pinoy movie na kinunan sa Greenland

Jun Nardo - October 17, 2019 - 12:15 AM


CAPITAL City ng bansang Greenland ang Nuuk. Foreign sounding ang word kaya naman marami ang naintriga nang ito ang gawing title ng Aga Muhlach-Alice Dixson reunion movie mula sa Viva Films.

Ayon sa press release ng pelikula, ang Greenland ang bansa na may highest rate ng suicide sa buong mundo. Unknown nga lang ang rason ng mga suicide incidents doon.

Ang “NUUK” ang unang Filipino movie na kinunan sa Greenland, produced by Viva in cooperation with the Embassy of the Kingdom of Denmark. Ito ang muling pagsasama nina Aga at Alice sa isang pelikula makalipas ang ilang taon.

Mula ito sa direksyon ni Roni Velasco na siya ring gumawa ng pelikulang “Through Nigt and Day” nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi na kinunan naman sa Iceland.

Of course, more than the location, ang mahusay na performance nina Aga at Alice ang kaabang-abang sa “NUUK” na isang psychological-suspense-drama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending