Pagiging nanay ni Marian muling hinamon matapos matalo sa school contest si Zia

By Jun Nardo October 13,2019
share this

Pagiging nanay ni Marian muling hinamon matapos matalo sa school contest si Zia

By Jun Nardo October 13,2019
share this

MARIAN RIVERA AT ZIA DANTES

SUSUGOD ngayong araw ng Linggo ang fans ni Marian Rivera sa GMA 7 dahil magbabalik na sa Sunday PinaSaya ang GMA Primetime Queen matapos mawala ng ilang buwan.

Nag-maternity leave kasi si Yanyan kaya ilang buwan din siyang hindi napanood sa Sunday variety show ng GMA 7.

At ngayong medyo malaki-laki na ang second baby nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy, pwede na uli siyang humataw sa trabaho.

Bubuhayin ni Marian ang character niya sa Sunday show bilang si Judge MD kaya asahan na ang pagsabak muli ng Kapuso TV host-actress sa pagko-comedy, huh!

Eh, once a week lang naman ang programa kaya magaan lang ang trabaho para kay Marian. After SPS, puwede na siyang umuwi agad para alagaan ang dalawang anak.

Samantala, ipinadama muli ni Yanyan ang pagiging isang ina kay Zia nang hindi manalo ang bata sa nakaraang activity nito sa school sa pagsusuot ng costume.

Little Miss Indonesia ang peg ng bagets subalit hindi siya pinalad manalo hindi tulad sa mga nakaraang okasyon at events nila sa school na lagi siyang winner ng Best Costume.

Ipinaliwanag ng misis ni Dingdong sa anak na sa bawat contest, may panalo at meron ding talo. Kahit bata pa ay nagawa rin namang maintindihan ni Zia ang paliwanag ng ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending