‘Huwag nilang palabasing baliw si Claudine, tulungan nila ‘yung tao’
NILINAW ng bagong co-manager ni Claudine Barretto at artista ring si Bianca Lapus ang kumalat na balita tungkol sa mental and emotional condition ng tinaguriang Optimum Star.
Kasalukuyang nagbabantay sa ospital si Claudine sa kanyang amang may sakit na si Miguel Barretto kasama ang kanyang tatay.
Ito raw ang dahilan kaya loaded ang utak ni Claudine these days and it will not help if she gets to see negative news about her, ayon kay Bianca Lapus.
Naisulat namin dito ang pag-aalala ng isang concerned friend ni Claudine sa paiba-ibang state ng emotion ng aktres. Hanggang sa nakausap namin ang pamangkin ni Claudine na si Claudia Barretto na may mental health advocacy at umaming nakaranas na rin ng “mental illness.”
“She (Claudine) is actually an advocate ate,” sabi ni Bianca sa amin. “In fact, she recently attended an event to raise awareness about mental health. Ang ayoko lang pinapalabas kasi na baliw siya imbes na tulungan at makabalik hindi pa nga nakakatayo yung tao pinipilayan na ulit.”
Feeling ni Bianca may mga tao lang na naghihintay na maka-commit ng mistake si Claudine when she is doing everything to recover and get up again.
“I think she is one of the most misunderstood actress sa industry, marami siyang pinagdaanan na trauma at depression. ‘Yung kay Rico (Yan) pa lang, di ka ba made-depress ‘di ba? Ang daming pinagdaanan nu’ng tao,” pahayag pa ni Bianca.
Maging si Bianca bilang co-manager ni Claudine ay nakatanggap ng warning, “Maraming nagsasabi sa akin ng goodluck ganito, ganyan. Pero ayoko silang pakinggan kasi ang kailangan ni Clau ngayon mga totoong tao na nagmamahal at naniniwala na kaya niyang bumangon.
“Hindi matatawaran ang talent niya even sa last MMK (Maalaala Mo Kaya) niya ang taas ng rating and had good feedback kahit may lumabas na hindi raw niya memorize ang lines niya. It’s all lies. She arrived at the set two hours early, and she memorized all her lines, almost take 1 lahat,” diin niya.
More than a co-manager, true friend daw siya para kay Claudine, na gumagabay at sumusuporta sa kanya ngayon together with Star Magic and Star Cinema.
“Even Piolo Pascual full support sa pagbabalik niya. I hope people will stop judging Clau about her past, everyone had a past na hindi kagandahan pero sana lahat mag-move on na. Support people who are trying to recover from their mistakes, from their dark past like you, like me, like Claudine and everybody else. Focus on what is good.
“Eto nasusulat ba? Alam ba ng mga tao na kahit anong puyat niya, gumigising siya para ipaghanda ng almusal at baon ang mga anak niya? Alam ba nila na kung hindi dahil kay Claudine walang tinitirhan magulang nila now?
“Kaya nga sa lahat ng anak siya ang paborito at hinahanap kasi siya ang palaging tumutulong sa buong pamilya lalo na noong panahon na active siya.
“Alam ba nila na may mga tinutulungan si Claudine randomly like nasa ER (emergency room) ng hospital nakita niya walang pera ayaw i-admit o gamutin, siya ang sumagot,” pahayag ni Bianca.
Pati raw sa mga kasambahay, pamilya na ang trato ni Claudine, “Yes, she is imperfect minsan maski kami nagtatalo we agree to disagree pero lahat naman ganoon, ‘di ba? She is genuinely generous ate she is just really misunderstood. She is doing her best now, diet, workout, treatments to prepare for her comeback together with Piolo and we already had a closed door meeting with Star Cinema.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.