Maine tagumpay bilang Lagare Queen; CarMaine labs ng PWD
Tapos na ang pagiging Lagare Queen ni Maine Mendoza sa dalawang pelikula.
Eh, sa isa niyang tweet, tila tapos na rin ang shooting niya ng filmfest movie nila ni Vic Sotto na “Mission: Unstapabol”.
Tuloy pa rin ang dubbing niya para sa pelikulang “Isa Pa Wth Feelings” pero nagagawa pa rin niyang puntahan ang event ng bagong endorsement niya para sa isang brand ng cellphone.
Sa totoo lang, sobrang overwhelmed si Meng sa feedback ng movie nila ni Carlo Aquino mula sa deaf commumity at pati na rin sa mga kababayan nating PWD.
Ang latest na suporta na natanggap niya ay mula sa netizen na may user name na @Mrkurtski o Kurt Achay.
“In behalf of my deaf students at Special Children Education Institute we support Isa Pa With Feelings,” ayon kay Kurt.
Reply naman ni Maine sa kanya, “This is too precious. Thank you very much sir.”
Take note bukod sa maraming block screenings na naka-schedule sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, nakalabas na rin ang international screenings ng CarMaine movie.
Confirmed na ang international screenings sa Papua New Guinea (Oct. 17), Japan (Oct. 18), US Canada (Oct. 25), UK (Oct 26), Australia at New Zealand (Oct.31) at Norway (Nov. 3).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.