Alden ibang-iba ang ugali sa kilalang young actor

By Cristy Fermin October 10,2019
share this

Alden ibang-iba ang ugali sa kilalang young actor

By Cristy Fermin October 10,2019
share this

ALDEN RICHARDS

ANG kuwentong ito ay mula sa mga balikbayang kamag-anak ng aming kaibigan. Nakasabay nila sa flight si Alden Richards nu’ng minsang bumiyahe pauwi ang grupo.

Natural, kilalang-kilala nila ang Pambansang Bae dahil suportado nila ang GMA 7 sa bansang matagal na nilang kinaroroonan, kaya nang makita nila si Alden ay agad siyang nilapitan ng pamilya.

Kuwento ng aming kaibigang si Lina ng Sydney, Australia, “Napaka-approachable pala ng batang ‘yun! Nasanay na kasi ang mga relatives namin sa mga personalities na mahirap i-approach.

“May isang young male personality rin silang nakasabay sa flight, kasama nu’ng guy ang girlfriend niya na ka-loveteam niya rin, hindi sila pinagbigyan para sa pakikipag-selfie!

“Puro wait lang ang sinasabi sa kanila, pero wala naman siyang ginagawa, kaya hindi na lang sila nagpa-picture with that young male personality!

“Pero ibang klase nga si Alden, isang sabi lang sa kanya ng niece ko, nakipag-pose na agad siya, hindi na sila pinahirapan. Tinatanong pa nga raw sila ni Alden kung tagasaan sila dito sa Pilipinas!

“Nu’ng sabihin nilang from Batangas sila, sinabi ni Alden na magkapitbahay lang daw sila ng probinsiya, dahil taga-Laguna siya!

“He’s so nice! Paborito na siya ng buong angkan namin, pinanonood namin every night ang The Gift. Mahal na mahal na namin si Sep!” tuwang-tuwang kuwento ng kaibigan naming si Lina.

Ang nagagawa nga naman ng kagandahan ng kalooban. Parang apoy ‘yun na kumakalat, nagpapasalin-salin ng bibig, sa napakapositibong paraan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending