Las Islas Musik Festival 2019 hahataw na | Bandera

Las Islas Musik Festival 2019 hahataw na

Reggee Bonoan - October 04, 2019 - 12:10 AM

Daryl Ong, Sam Mangubat, Jade Riccio, Ken San Jose, Claudia Barretto, 1NEbaze at Bugoy Drillon

ANG dami-dami nang music festival sa bansa.

Nandiyan ang San Mig Oktoberfest, Wanderland & Arts Music Festival, Rakrakan Festival, Kaguluhan Music Festival, Philippine International Jazz & Ethnic Arts Festival, Metro Manila Popular Music Festival at marami pang iba na talagang sinusugod ng mga music lovers.

At may madadagdag na naman diyan, ang Las Islas Musik Festival na ililibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para i-promote ang Original Pilipino Music o OPM.

Ang producers nito ay ang magkakapatid na Singaporean sa pangunguna ni Sora Ng na tumatayong Presidente ng 6SK. Sila ang may hawak sa grupong 1NEbaze na naging front act sa concert ng Maroon 5, Ariana Grande at Big Bang.

Kuwento ni Sora na isang half-Filipino, half-Singaporean, “6SK is actually a company that I formed because our dad has his own company in Singapore which is all about entertainment and since he is really old now and he wans someone to really take of the business so we (siblings) took it over. 6 because we’re 6 siblings and S because (name) stars with S and 1K.”

Dagdag ng kapatid niyang si Haidez, “Sor told us that we gonna take care of our dad’s business and she’s the business person not us because we are (younger siblings) are the performer.” Kasama rin nila sa kumpanya ang dalawang kapatid na sina Baby G at Jeong.

Ang na-release nilang kanta under Star Music ay ang “Perfect Love” na sila mismo ang sumulat ng lyrics at naglapat ng musika.

Natanong si Sor kung bakit Filipino music ang gusto niyang i-promote nationwide considering na hindi naman sila purong Pinoy, “The goal is I want to promote OPM music in Philippine provinces and get in touch with the people in the province. I think very limited ‘yung concerts sa provinces compared dito sa Manila. Best way to connect as well,” paliwanag ni Sor.

Ang unang leg ng Visayas Tour ng Las Islas Musik Festival ay magsisimula sa Oct. 25 (Bacolod Panaad Stadium); Oct. 26 (Iloilo Barotac Nuevo Plaza); at Oct. 27 (Aklan Sports Complex).

Ang mga performers naman ay sina Daryl Ong, Sam Mangubat, Jade Riccio, Ken San Jose, Claudia Barretto, 1NEbaze at Bugoy Drillon.

Magsisilbing stage director naman si Dido Camara at dahil nagsisimula palang kaya lahat sila ay gagamit muna ng minus one.

Tinanong namin si Sor kung bakit hindi kasama ang Cebu sa Visayas tour nila gayung maraming music lovers sa nasabing lugar.

“It’s in the next schedule, we’re still have more in Visayas, next in Mindanao area and by December is the Luzon area,” paliwanag sa amin ng producer.

Bakit December, panahon ito ng gastusan at ano ang garantiya ni Sor na papasukin ng tao ang music festival nila, “December because I want to give back to the people and we’ll make sure they’ll love it because very affordable lang,” nakangiting sagot niya sa amin.

Ibinulong sa amin kung magkano ang tickets sa Las Islas Musik Festival sa probinsya at sobrang mura nga talaga, pang estudyante ang presyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, binabati namin ang 6SK sa napakagandang ideya nito, na kahit hindi sila purong Pinoy ay naisip nilang ilibot ang OPM sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending