SINABI ng Palasyo na tiwala pa rin si Pangulong Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kabila ng ulat ng umano’y pagkakaugnay sa mga ‘ninja cops’.
“Until such time as the President says otherwise, he remains in full trust and confidence of the Commander-in-Chief,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na may basbas ni Duterte ang pahayag ni Senator Bong Go na may nakalaang pabuya para sa mga ninja cops.
“Iyon ang sinabi ni Senator Bong, that means mayroong authority to speak for the President; napag-usapan nila iyon,” dagdag ni Panelo.
Sinabi ni Go na naglaan si Duterte ng P2 milyon para sa mga manlaban na ninja cops, P1 milyon para sa mga makakapatay at P500,000 para sa mga buhay.
Sinabi pa ni Panelo na rerepasuhin pa ni Duterte ang listahan ng mga umano’y ninja cops na isusumite ng Senado.
“Lahat iyon siyempre ay i-evaluate ni Presidente. You should always remember that this President is a lawyer,” dagdag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.