NAWALAN ng passion sa acting ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola mula noong nabakante siya sa paggawa ng teleserye.
Ito ang inamin ng girlfriend ni Luis Manzano sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye na Sandugo.
Matagal-tagal ding nawala sa eksena si Jessy kaya nanibago siya sa muling pagsabak sa taping.
Huling napanood ang dalaga sa Kapamilya series na You’re My Home noong 2015 kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta kaya talagang malaking adjustment at matinding paghahanda ang ginawa niya.
“Sobrang nanibago po ako. Sa totoo po niyan, hesitant po ako na mag-soap ulit, kasi nawala na ‘yung nakasanayan mo na nagte-taping ka palagi, tapos marami kang nakakatrabaho, kaya sobrang naninibago ako noong first few taping days ko,” ani Jessy.
Dugtong pa niya, “Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa production kay direk, na break it to me gently, nagdahan-dahan kami. Pero they guided me, parang bumalik ang passion, bumalik ang excitement.”
Dito na niya inamin na dumating ‘yung time na nawalan na siya ng passion sa pag-arte, “‘Pag may mga pagkakataon na feeling mo hindi ka nabibigyan ng chance, hindi ka na nagkakaroon ng passion and excitement so might as well, huwag ka nalang tumanggap. Kasi you won’t be able to give your 100 percent, and unfair ‘yun sa mga katrabaho mo, sa boss mo, sa production.
“Para sa akin po for as long as long as it excites me, as long as I have something to prove myself to, gusto ko pong tumanggap ng maraming magkakaibang role po,” aniya pa.
Sa tanong tungkol sa umano’y plano niyang lumipat noon ng TV network, “I’m really thankful po na nabigayan ako ng role at nabigyan ako ng show. Marami na din pong show ang binibigay, pero ako na rin po ang nagsasabi na hindi din po ako ready and that would be really unfair for the people na nagbibigay sa akin ng trabaho.”
q q q
Hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang magulang para sa anak nito?
Inihahandog ng ABS-CBN ang isang makapangyarihang kwento ng dalawang pamilyang pinagbuklod ng
isang nakaraang sinira ng kahirapan sa bagong family drama series na Sandugo, na mapapanood na sa Kapamilya Gold simula ngayong Lunes.
Sa Sandugo, gaganap sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica bilang kambal na magiging mortal na magkaaway.
Makakasama rin nila rito sina Jessy Mendiola, Vina Morales, Ariel Rivera, Gardo Versoza, Elisse Joson at Cherry Pie Picache.
Iikot ang bagong Dreamscape offering sa kambal na sina Julius Caesar at Aristotle, o sina JC at Aris, na magkakahiwalay dahil sa isang matinding pangangailangan ng pamilya.
Sa kanilang paglaki, pamumunuan ni Aris ang isang malaking sindikato, habang isa nang NBI agent si JC na walang kaalam-alam sa kinahinatnan ng kanyang kambal.
Maghaharap ang dalawa sa magkabilang panig ng batas, nang hindi alam ang totoong pagkatao ng isa’t isa.
Ang Sandugo ay mula sa direksyon nina Darnel Joy Villaflor at Ram Tolentino mula sa Dreamscape Entertainment. Tampok din dito sina Arlene Muhlach, Cogie Domingo, Dido dela Paz, Jeric Raval, Maika Rivera, Mark Lapid, Nanding Josef, Ali Abinal, Reign Parani, Karina Bautista, Aljon Mendoza at Ogie Diaz.
Tutukan ang kwento ng dalawang pamilya at kambal na pinaghiwalay ng tadhana sa Sandugo, simula ngayong Lunes sa ABS-CBN.
q q q
Speaking of Elisse Joson, wala siyang ka-loveteam this time sa seryeng Sandugo kaya malaking challenge ito sa para sa kanya as an actress.
“I’m really thankful po kasi binibigyan nila ako ng chance, na pinagkakatiwalaan nila ako, and doon ako namo-motivate, na mas ma-inspire pa sa trabaho ko,” pahayag ng dalaga.
Sumikat si Elisse sa tambalan nila ni McCoy de Leon at nabuwag na rin ito nang magkahiwalay sila, “Honestly mahirap po, pero na enjoy ko, marami po ako natutunan and I think ang haba pa po ng journey ko.
“But at least nakatuntong na ako sa step na, on the way, like to learning so much, and being able to stand up on my own,” aniya pa.
Kumusta ang panliligaw sa kanya ni Jameson Blake, “We’re really good friends, we go out with friends, we get to know each other but we’re friends.”
“Nag-uusap naman po kami, na nakapag-open up ako, parang gusto ko muna ng break from heartache. Siyempre mahirap ulit pagdaanan ‘yung napagdaanan ko, ngayon po mas careful ako sa mga taong kinikilala ko,” say pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.