‘Kumpleto ang gabi ‘pag nakapanood kami ng The Gift’
Ang tunay na kakisigan ay lumulutang kahit sa simpleng pagkakataon. Tulad ni Alden Richards sa pinagbibidahan niyang The Gift na kahit nakalumang shorts at t-shirt lang ay kapansin-pansin ang kaguwapuhan.
Sa napakaraming taong gumagalaw sa paligid, pansin na pansin ang itsura ng Pambansang Bae, kaya naman kinikilig ang kanyang mga tagasuporta.
Pero hindi du’n nagtatapos ang kuwento, malayo na ang nararating ng kanyang talento sa pag-arte, hindi na siya basta guwapo lang.
Interesante ang ikot ng kuwento ng The Gift. Inangkin nang kadugo ng kanyang lola at ina-inahan si Joseph.
Nagtagpo na sila ng kanyang tunay na ina (Jean Garcia) at tumatak yun sa damdamin ni Joseph.
May mga kaibigan kaming hindi kumpleto ang mga gabi kapag hindi natututukan ang The Gift.
Sawang-sawa na raw kasi sila sa mga kuwento ng kidnapan, barilan at kung anu-ano pang mga seryeng pare-pareho lang naman ang tema.
Kuwento ng isang kaibigan namin, “Kung minsan kasi, e, nakakasawa na rin ang mga seryeng iba-iba lang ang mga gumaganap, pero pare-pareho ang plot ng istorya.
“Kung hindi kinidnap ang bida, e, dinukot naman ang mga taong mahal niya, kaya du’n na umiikot ang kuwento. Nakakasawa na ang ganu’n, gusto naman naming makapanood ng ibang seryeng kakaiba ang kuwento.
“Cool lang ang The Gift, natural na natural ang mga eksena, pero alam namin na one day, mas lalalim ‘yun dahil sa mga twists ng story.
“Hinahanap na ni Alden ang tunay na mother niya ngayon, di ba? Napakasakit nu’n para kina Jo Berry at Elizabeth Oropesa,” kabisado nga ng kaibigan namin ang daloy ng kuwento ng The Gift.
Nasubaybayan namin ang seryeng Alakdana, isa lang sa marami nu’n sa kuwento si Alden Richards, peyo ngayon ay siya na ang bumibida at kanya na talaga ang ikot ng istorya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.