Conservative talagang tatay si Dong—Marian
AMINADO si Marian Rivera na conservative na tatay si Dingdong Dantes.
Nag-react kasi ang Kapuso Primetime King sa litrato ni Zia na naka-luau outfit. Siyempre, kita ang tummy ng bagets dahil nga naka-bra top lang ito.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Dong si Zia na nakasuot ng sexy outfit kaya naman nag-joke siya sa Instagram photo ni Zia ng, “Bigyan nga ng jacket iyan!”
“Ha-hahaah! Oo nga, conservative kasi siya! Nakakatawa, kasi sabi ko lang sa kanya, may party sa school ni Zia at yun ang theme ng school nila.
“E, puyat, galing taping. Bumaba, sabi niya, ‘Ano iyan? Bigyan nga ng jacket iyan!’ Totoong sinabi niya iyan.
Kaya noong ipinost niya, tawa ako nang tawa,” chika ni Marian nang makachikahan ng entertainment press sa opening ng Beautederm flagship store sa Marquee Mall, Angeles
City.
“E, kung sa akin nga kailangan kong mag-cycling, si Zia pa kaya?” tawa pang sey ni Marian.
Samantala, isa na ngayon si Marian sa mga tinaguriang Queen of Endorsements dahil sa dami niyang ine-endorse na produkto, kabilang na nga riyan ang Beautederm na pag-aari ng kaibigan niyang si Rei Tan.
“Ang hirap namang sabihin ng ganu’n. Pero, ang laki ng pasasalamat ko na kinukuha talaga nila ako para i-endorse sila.
“At nakakataba ng puso ang pagtitiwala nila at ang lahat ng ito ay para sa future ng dalawang anak namin,” sabi pa ni Yanyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.