Sigaw ng fan sa anti-drug agents ng Makati Police: Palayain si Loonie! | Bandera

Sigaw ng fan sa anti-drug agents ng Makati Police: Palayain si Loonie!

Cristy Fermin |September 21,2019
facebook
share this

Sigaw ng fan sa anti-drug agents ng Makati Police: Palayain si Loonie!

Cristy Fermin - September 21, 2019 - 12:15 AM

Ang hinahangaang rapper ng mga kabataan na si Loonie, nabasyo nu’ng isang gabi, nahulihan daw siya ng high grade marijuana na diumano’y ibinebenta pa niya.

Agarang nabulabog ang kanyang mga tagahanga, umaksiyon agad sila sa social media at ang kanilang sigaw, “Palayain si Loonie!”

Ibang klase kasi ang talento ng rapper na ito, hindi lang siya kuda nang kuda sa kanyang pagra-rap, makabuluhan at malalim ang tema ng kanyang mga piyesa.

Nagbibigay-pugay sa kanya ang mga kapwa niya rapper, siya ang tinitingala, kasi nga ay ibang-iba si Loonie sa iba.

Minsan na namin siyang nainterbyu, sa um-pisa ay simple lang siyang sumagot, pero habang tumatagal ang panayam ay ramdam na ramdam mo ang lalim ng pinaghuhugutan ni Loonie.

Parang ang kanyang mga piyesa rin, wala kang itatapon, habang pinaki-kinggan mo kasi siyang nagra-rap ay para kang mayhawak na nobela na sarap na sarap mong binabasa.

Hindi makababawas sa kanyang imahe ang pagkakabasyo niya sa marijuana, totoo man o hindi ang senaryo ay siya pa rin si Loonie, ang idolong rapper ng buong bayan na may saysay ang mga sinasabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending